April 24, 2014

38K 983 2
                                    

Dear Art,

I purposely went to work a bit late. Alas tres na halos. Napagalitan ako ng boss ko dahil may pending akong urgent. E wala na naman syang magagawa. Ginawa ko na lang din kahit medyo overdue na yung request.

Wala akong ganang kumain so by the time I ate my breakfast, lunch and dinner all in one, alas nwebe na ng gabi and I only had an appetite for an order of spaghetti. Buti na nga lang dun ako sa fast-food chain nina Grace bumili at kumain. At least nakadagdag sa gana ko yung nakita ko sya kahit saglit lang.

Nakita kong umubo si Grace, Art. Tumakbo sya papunta sa pinakang-likod kung saan hindi sya makakaabala sa mga nagtatrabaho. Alam kong bawal ang magkasakit sa trabaho nila dahil hindi lang sya ang dapat intindihin kundi yung mga pagkain ng customer.

Kapag nagkasakit si Grace, hindi sya makakapagtrabaho ng ilang araw.

At kapag hindi sya nakapag-trabaho, magiging restless sya. Alam ko na yan e. Hindi sya mapakali ng walang ginagawa. Mababaliw sya kapag nakatunganga lang. Tsk. Kailangang maagapan 'to.

Ian

The Misadventures of Finding Mr. Right 1Where stories live. Discover now