March 1, 2014

45.9K 1.3K 40
                                    

Dear Art,

Alam kong medyo matagal na rin mula nung huli kong sulat. When was that? December pa. Last year pa. Kakalimutan na sana kita eh.  I was trying to move on from Grace, you know. I was trying to move on from all of it. Ang kaso lang, kung kailan ko sya sinusubukang kalimutan, saka naman sya ulit nagpakita. I saw her with an older man. Foreigner ito. Kasama nya ang isang bata na sa tingin ko ay kapatid nya.

Nakaakbay sa kanya 'yung foreigner habang sya naman ay nagtutulak nung cart. Ang sakit nun, Art. Parang nakakagago lang. Ni ha ni ho, wala akong narinig sa kanya. Ni hindi kami pormal na naghiwalay. Tapos bigla-bigla ko syang makikitang may kasamang iba?

Alam kong boyfriend nya 'yun Art. Hinalikan sya nito sa harap ko. I purposely walked in front of them. I saw recognition in Grace's eyes. Alam kong kilala nya pa ako. But she quickly looked away na parang wala lang sa kanyang nakita nya ako.

Alam mo ba ang mas masakit Art? I later called her old number. Umaasa akong sasagutin nya. She did answer. Tinanong ko sya kung kilala nya pa ako. Ang sagot nya sa 'kin "Kalimutan mo na ako Ian. Ikakasal na kami ni George. Dadalhin nya kaming lahat sa Amerika. Magiging maayos na ang buhay namin."

Ayaw ko syang sisihin dahil inuna nya ang pamilya nya kesa sa 'kin. Ayaw ko rin 'yung isumbat sa kanya. Alam ko ang kahalagahan ng pamilya, Art, kahit pa sabihing wala ako noon sa katauhan kong ito. Pero tama ba ang ginagawa nya? Hanggang saan ang kaya niyang isugal para sa pamilya?

Dapat ba nyang ibigay lahat kahit yung sarili niyang kaligayahan? Pasagot nga Art! Nabobobo ako eh.

Heartbroken,

Ian

The Misadventures of Finding Mr. Right 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon