April 9, 2014

40.5K 1K 14
                                    

Dear Art,

"Words don't come easily... like I love you."

Ang gusto ko lang naman ay maging parte ng buhay nya. Hindi na nga priority... parte lang. Nang umuwi sya kahapon, lulugo-lugo sya ulit dahil hindi na naman sya tinanggap. She was not even considered. She slept disheartened.

I tried to perk up her spirit by cooking her breakfast. Ni hindi sya makakain ng maayos dahil inaalala nya kung may kinakain ba para sa agahan ang pamilya nya. I promised her that we will visit them this weekend. Saka na yung date. Madali naman akong kausap. Basta sumaya lang sya.

I asked her casually kung kailan nya nakikita ang sarili nyang pamilyado. Ibig kong sabihin, kung ilang taon sya. Parang bigla syang nailang tapos ang sagot nya sa 'kin wala pa raw yun sa isip nya. Kapag daw siguro nakapagtapos na ang mga kapatid nya o naayos na ang kondisyon ng nanay nya.

Alam mo ba kung gaano pa katagal 'yun Art?

Tinanong ko sya ulit, casually, na paano kung bigla ko syang ayaing magpakasal. Nagalit sya sa 'kin Art. Wag na wag ko na raw ulit ini-bring out yung topic na yun kasi napi-pressure sya. Ang dami na nga raw nyang problema tapos dadagdag pa ako.

Sa totoo lang, nasaktan ako sa sinabi nya pero hindi ko na lang pinahalata. Kesa naman mag-ayaw kami, inintindi ko na lang sya. Marami syang problema. I know she didn't mean what she said.

Nabigla lang sya siguro.

Pero Art, paano nga kung gusto ko syang pakasalan? Mukhang tatanggi sya.

Ian

The Misadventures of Finding Mr. Right 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon