April 12, 2014

40.5K 1K 14
                                    

Dear Art,

Dahil sa nangako ako kay Grace na dadalawin namin ang pamilya nya, kanselado ang date namin. We went to the market instead—early in the morning. Namili kami ng iuuwi nyang pagkain sa kanila. Tatlong shopping bags ang dala namin pauwi.

Kinabahan ako kasi syempre first time kong mami-meet ang pamilya nya. Hindi ko alam kung tatanggapin nila ako. I was the one who made her stay. Yung magandang buhay na ipinangako nya sa kanila, ako yung sumira kaya hanggang ngayon ay pangako pa rin iyon.

But I didn't expect that they would be so welcoming. Sa katunayan ay niyakap ako agad ng nanay nya pagkakita sa akin. Tapos niyakap nito si Grace at dun na sila nagkaiyakan. Alam mo yung feeling na pareho nilang gustong magpaka-selfless para sa isa't isa? Grace would do everything for her family and her family would be willing to suffer just to lighten her burden.

Ayaw nilang maging pabigat sa kanya. Muntik na akong maiyak Art. Naalala ko lang bigla na lalaki ako. Hindi ako dapat iyakin. Kaso hindi ko na maalala yung ganoong pakiramdam e. Yung may pamilya....

Grace's mother cooked us lunch. Ginataang isda na may lahok na sitaw at kalabasa. Buti na lang marunong mag-gardening yung kapatid ni Grace. Madalas daw na puro gulay ang kinakain nila. Minsan, nakakautang ng isda. Malas pa nga at wala silang ref kaya ayun, niluto na rin nila yung dala naming manok. Adobo saka prito para hindi kaagad masira.

Tinanong si Grace ng nanay nya kung ano raw ang plano namin. Noong una hindi ko sya naintindihan tapos nang makita kong todo iling si Grace, saka lang nag-sink in sa 'kin.

"Wala pa kami dun, 'nay," sabi nya sa nanay nya.

Sumang-ayon na lang ako. Sabi ko handa naman akong maghintay. Basta 'wag lang aalis si Grace sa tabi ko. Lahat naman siguro may tamang panahon at yung bagay na 'yun... maaring mangyari pero hindi pa ngayon.

Ang mahalaga, magkasama kami.

Ian

The Misadventures of Finding Mr. Right 1Where stories live. Discover now