June 15, 2013

57.2K 1.7K 56
                                    

Dear Art,

Hindi kami natuloy sa Tagaytay. Nagkasakit ako. Seryosong sakit, hindi gawa-gawa lang. Paggising ko kaninang umaga, nilalagnat ako. Tapos muntik pa akong dalhin sa ospital kase nasa 40 degrees na raw yung temparature ko.

Buti na lang tiningnan ulit ni Ivy yung thermometer. Namali lang pala ng tingin si Jenna.

Eto ako ngayon, nakahilata sa kama. Katabi ko si Jenna, tulog. Hawahan ko kaya ng sakit 'to noh? Kulit eh. Para namang ikamamatay ko ang lagnat. Tss.

Sige pre. Inaantok na 'ko. Matutulog ulit ako.

Achuu ng achuuu,

Ian

P.S. Sabi ni Ivy ang pangit ko raw. Mukha raw akong hobo. Ano yung hobo? Hubo lang kase alam ko.

The Misadventures of Finding Mr. Right 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon