July 13, 2013

50.9K 1.5K 56
                                    

Dear Art,

I have one word for you: TANGINA.

Alam mo bang sobrang tuwang-tuwa ako nang pumayag sya? I set the date, the time and place. Bumili pa ako ng bagong damit. Tapos tinext ko sya (dahil ayaw nya raw ng tinatawagan), sabi ko punta na ako ng alas sais sa lugar na ibinigay ko (dahil ayaw nyang sunduin ko sya).

Malayo yung lugar Art. Sa Eastwood. Galing pa akong Makati. Bumili pa ako ng bulaklak. Dahil wala akong sasakyan ngayon, nag-commute ako.

Tangina. Inulan pa ako! 

Tapos nung makarating ako dun, para akong tanga. Tatlong oras akong nag-intay sa kanya Art. Pabalik-balik na yung mga waiter sa table ko, tanong ng tanong kung oorder pa daw ba ako. What am I supposed to say? Inaantay ko sya Art. Baka kase dumating sya kung kelan kumakain na ako. Ang sagwa naman nun, di ba? Pero magsasara na yung restaurant, wala pa rin sya.

Ewan. Sana tumanggi na lang sya kesa yung pinagmumukha nya akong tanga. 

Humanda sya sa 'kin. Tingin nya she's challenge enough? Tingnan natin. I'll make sure she'll fall for me. And when she does, I'll break her heart. Pinagmumukha nya akong tanga ngayon?

Sige, magpakasaya sya.

Once she fell for me, she'll regret she made me look like a fool.

Lubos na nanggagalaiti sa galit,

Ian

The Misadventures of Finding Mr. Right 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon