April 4, 2014

42.9K 1.2K 37
                                    

Dear Art,

Biyernes na! Buti na lang. Ang tagal kong inantay ang weekend! Sa wakas makakatulog na rin ako ng mas mahimbing saka mas mahaba ang oras ko with Grace. Inagahan ko nga ang uwi para sa bahay na lang ako kakain. Nagluto raw sya ng paborito ko. Kaya hindi na rin ako nag-merienda.

Dapil na dapil na nga ako nang dumating sa bahay.

Iisang kilo lang na bigas yung sinaing nya so medyo bitin ako. Kailangang magpigil na kumuha pa sa kaldero kasi kawawa naman si Grace kapag inubusan ko ng kanin. Napabili tuloy ako sa labas ng extra rice. Pero ayos lang, masarap naman ang luto nya.

Pagkatapos naming kumain, nagsimula na akong magtutor sa kanya. She already know the basics so it wasn't that hard. Mabuti na rin palang service crew sya dati. Kasi marami syang nakakasalamuhang ibang tao. Hindi na problema ang intrapersonal skills nya.

Yun namang grammar nya, okay naman. Yun nga lang complex na sentences ang medyo nahihirapan sya. When it comes to pleasantries, ayos na ayos na sya. Idagdag pa doon yung mga usual nilang sinasabi.

It's past ten nang sabihin nya sa aking inaantok na sya. Sabi ko sa kanyang mauna na syang matulog. Ako na lang ang maghuhugas ng pinggan pero sadyang maasikaso ang girlfriend ko. She insisted to wash the dishes. Syempre hindi ako nagpatalo. I know we both had a long day so I offered to help. We ended up cramming on the little space in front of the sink just to wash a few dishes.

Nang matapos na kami, nawala na ang antok nya. Nakapag-aya pa syang manuod ng movie. So nanuod kami ng movie. Kaso nakakaantok yung pinili nyang panuorin. Serendipity.

She ended up sleeping on the couch. Hindi naman ako makatayo dahil nakasandal sya sa balikat ko. Kaya natulog na rin lang ako. Paggising ko nga lang kanina (Sabado na nga pala ngayon. Baka malito ka. Kinwento ko lang yung nangyari kahapon), wala na sya. May kumot ng nakataklob sakin tapos may unan na sa ulo ko. Nakahiga na rin ako.

Ang sarap ng may girlfriend Art. Mainggit ka please. Hahaha...

Siniswerte,

Ian

The Misadventures of Finding Mr. Right 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon