"Labas lang ako." paalam ko sa kanila. Lumabas ako ng kitchen bago pa man tumulo ang mga luha ko. Damn, para iyon lang ay iiyakan ko na? Ganito na ba talaga ako kababaw?! Naiinis ako sa sarili ko! I'm too weak for this!

Humalukipkip ako sa sofa at itinaas ang dalawa kong paa para mayakap ang mga tuhod ko. I feel so stupid hanging around with them. Mukha akong kaawa awa. At hindi ko man lang maialis ang sarili ko sa kinalagyan kong sitwasyon.

Tinignan ko ang orasan malapit sa aking gilid. Please, Max, drive faster! Kailangan na kita rito! Inipit ko na naman ang sarili ko sa lugar na dapat ay iniiwasan kong kalagyan.

Ilang minuto lang din ay lumabas na si Kei sa kusina kasama ang mga alak. Inilapag nya iyon sa lamesa at tumulong naman ako para mailabas iyon sa lalagyan. "Hindi ka umiinom, hindi ba?" tanong nya at naupo sa kabilang sulok ng sofa.

"Umiinom ako." sagot ko rito at niyakap ang isang unan nang matapos ako sa pag-aayos.

"Oh, umiinom ka pero hindi ka marunong mag-control ng iniinom mo?" nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. What does he mean by that?

Kumalabog ang puso ko, hindi ata ito dahil sa kinakabahan ako kundi dahil sa narinig kong itinuran nya sa akin. "I can control myself, Kei. Tignan mo lang mamaya at kaya kong ubusin ang isang bote r'yan nang mag-isa."

Humagikhik sya sa aking sinabi. Parang may kung anong nakakatawa itong nahuli sa mga salitang binitawan ko. "Kaya mo?" parang naghahamong turan nito.

"I can. Wanna bet?" mataas ang noo'ng balik ko.

"Sure. Anong itataya mo?" tumaas din ang sulok ng kanyang labi. Parang nagugustuhan ang pag-uusap naming ito samantalang ako ay tila natigilan sa kanyang itinanong.

Why did I even agreed to this?! Hindi nga pala ako marunong uminom! Ano ba, Chloris?! Ang yabang yabang ko pa kahit ang totoo'y baka hindi mangalahati sa iyo ang isang bote na ito at baka dumiretso ka ng tulog sa kanyang wash room.

"A-anything! Kung anong gusto mo ay ibibigay ko." matigas kong saad. I can't take my words back. Ito ang mga salitang nag-unahan sa aking bibig kaya't pangangatawanan ko na ito. Ni hindi ko nga alam kung dumaan ba ang mga salitang iyon sa utak ko o ano.

The first thing I noticed when I said those words was Kei's smirk. Mapaglaro ang mga ngiti sa kanyang labi na halatang tuwang tuwa sya sa akin. I can't even tell if this is the first time that I saw him smirk like this pero ito ata ang kauna unahang pagkakataon na tumayo ang balahibo ko dahil sa kanyang ngisi.

"Even if I ask you to be mine ay papayag ka?" nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Why would he even ask that? Syempre ay imposible naman iyong gusto nya. Hibang ba sya?!

"Hindi naman ata tama iyon!" angil ko. Halos magsalubong na ang dalawa kong kilay ng ngumuso ito sa akin at humilig ng sandal sa upuan.

"Sabi mo, anything. Maduga ka pala, eh."

"Oo nga. I said anything pero grabe naman iyang hinihiling mo. Magsabi ka ng ibang bagay na madaling ibigay hindi iyang ganyan." pagra-rason ko at nakita ko itong sumimangot.

"Then a kiss." lalo kong nakagat ang aking labi sa kanyang tinuran. Nang nilingon nya ako ay nahuli nyang kinakagat ko ang ibabang labi ko at doon napako ang mga mata nya. "Yeah, a kiss." ulit nyang muli.

"Hindi!" umiwas ako at mas lalong idiniin ang sarili ko sa sulok. Pakiramdam ko ay nag-init ang buo kong mukha sa tingin nyang iyon.

"At bakit na naman?" angal nya. Hindi ako makasagot. Basta ayaw ko!

Killing Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now