Chapter 1:Leticia

361 17 4
                                    

Pasensya na readers..naisip ko na ayusin itong story na ito for you so I cant say that you read this at your own risk sensya na po ..I got 100+ readers sa kwento na ito kahit di ko pa siya naii-edit at masasabi kong ang panget niya but I also have my two series.(On going) 'di pa kasi tapos. I assure naman na nadagdagan na 'yong writing skill ko kumpara dito sa una kong ginawa. Hope magustuhan n'yo 'yong pag-edit. Pasensya na po bago lang sa pagsusulat.

PLEASE PAKI FOLLOW NAMAN PO ACCOUNT FOR ME TO CONTINUE WRITING STORIES.

Muah!muah mga MAAL'S!

So now let's Volt in!

♥♥♥

"Naku!Samantha anak. Ilang beses ko ba naman sasabihin sayo hindi pinaglalaruan ang tubig. Tingnan mo oh! basang-basa ka na tuloy.", inis ngunit may lambing na sabi niya sa anak nyang si Samantha. Mahilig kasi nitong paglaruan ang tubig kung saan naroon ang kanyang mga labada. Kapag nakakalingat siya ay ganito palagi ang nagyayari. Iniwan lang nya lamang ito saglit sa sala dahil nagluluto siya.
Napailing na lang si Leticia sa nangyari at natawa nang makitang ngumuso ito ng todo. Kahit kailan naman 'din talaga makita lang niya ang cute na mukha nito nawawala ang kanyang inis.

"Eh,Mamu gusto ko pong maligo.", ani nito.

Dalawang taon pa lamang ito ngunit matatas na magsalita. Mataas din itong bata ngunit medyo may kapayatan kasi nga hindi siya ganuong ma-pera na kayang sundin ang mga luho nito. Lalo na sa pag-provide ng masarap na pagkain para rito. Hindi naman kasi malaki ang kinikita niya sa araw-araw na labadang nakukuha niya sa kanyang mga kapitbahay.

Paano ba siya nasadlak sa ganuong sitwasyon?

Nasaan ang tatay ni Samantha?

Naglayas siya sa kanyang probinsya at nagtungo rito sa Maynila kahit wala siyang alam kahit na anumang buhay mayroon dito. Ginawa niya iyon sapagkat hindi na niya kinaya pang tanggapin ang mga pagmamalupit ng kanyang amain kung hindi siya nito tinatawag na haliparot at pokpok ay sinasabi nitong sakit lamang daw siya sa ulo at ibenta na lamang kung kanino. Bente na siya at hindi tipikal ang katawan at taas na mayroon siya. Maraming nagsasabi na mukha nga raw siyang modelo sa ganda at sa taas niya.
Patay na kasi ang tunay niyang ama dahil sa sakit sa puso. At nasaan ang tunay niyang ina?

Wala na siyang ina nang magsawa na rin siya sa araw-araw nitong pananampal at ang ang nakakainis pa ay sa tuwing susubukan niyang magpaliwanag at ipagtanggol ang kanyang sarili ay mas kinakampihan pa ang walang hiyang pangalawang asawa nito. At nang isang araw ay hindi na siya makatiis dahil sa isang bagay na muntkan ng  mangyari sa kanya ay nabuo ang plano sa isip niya nang gabing iyon. Naalala niya muli kung ano ang nag-udyok sa kanya na iwan ang ina.

"Tutal hindi gusto ng Nanay mong ipagbenta ka ano kaya't ako na lang ang makinabang sa iyo?"

"T-tiyo?"

Napahumindik siya nang pasadahan ng mga mata nito ang buo niyang katawan ng may pagnanasa.

"Huwag kang mag-alala Leticia. Masarap yung gagawin natin"

Napatili siya nang hawakan siya nito sa braso at pilit siya nitong gustong halikan pero nagpupumiglas siya. Takot na takot siya dahil iyon ang unang beses na nagpakita ito ng matinding pagnanasa sa kanya.
Iyon ang eksenang naabutan ng kanyang ina.

The Monster's Maid(Maid Trilogy 1 UNDER EDITING)Where stories live. Discover now