Chapter 13: Sweet Monster

64 9 1
                                    


Author's POV😆✅✅✅

Hope na makapagsulat pa ako ng ibang kwento bukod dito. Gusto ko kasi matapos to para makapagsulat ng bago. Pokus muna ako kay Mr. Aragon.





AGATHON

Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng malaking Mall malapit sa opisina. Napagpasyahan kong bilhan ito ng mga bagong damit bilang parte ng pagpapanggap nitong girlfriend niya. Isa pa naisip niya na hindi na ito pagsuotin ng uniporme na pangkatulong para incase na may mga sitwasyong katulad kanina ay hindi ito magkukumahog na magpalit pa ng damit.

Isa pa mayroon siyang business vacation na pupuntahan at kasama ito. Yung mga kaibigan at kliyente ng Papa na kliyente niya hanggang ngayon ang mga kasama sa business na iyon. Alam ng mga ito na may girlfriend siya at inuudyukan siyang isama ito dahil kasama rin daw ang mga asawa ng mga ito.

" Anong ginagawa natin dito sir?"
Nabaling ang tingin niya rito.

" Buy your clothes. Get all what you want."

" Huh.. marami pa naman po akong damit ah. Saka di naman po ako paalis-alis eh."

" Drop the po thing Leticia. It seems that Im too old whenever I heard that from you."

" Po?"

" I said drop the po."

" Ahmmnn bakit po sir?"

" Shut the F^ck Up woman!"

Gigil na baling niya rito. Inaasar ata siya nito.

" Get your self out in the car."

Iniwan niya ang nanlalaking mata na babae habang nakahawak sa kanyang dibdib at pumasok sa entrada ng Mall. Nakita niya namang sumunod ito sa kanya. Pabulong- bulong ito at nakasimangot na nakatingin sa gawi niya.



Leticia's POV

Para s'yang aso na sunod lang ng sunod kay Agathon hanggang makapasok ito sa isang boutique. Iginala niya ang paningin. Ang daming magagandang damit ang naroon. Alam niya at sigurado siyang napakataas ng presyo ng mga ito. Knowing Mr. Agathon ay hindi ito papasok sa pipitsuging boutique.

" Good morning, M'am and Sir!"

Lapit sa kanila ang isang sales lady na namumula pa habang tinitingnan ang boss niya. Tinaasan lamang niya ito ng kilay. Tila naman napahiya ito at tumungo.

Nakita niyang napalingon sa gawi niya si Agathon kaya binaling nya ang kanyang paningin sa isang kulay peach na dress na hanggang dibdib lang ang taas. Fit na fit ito sa manikin.

" Get that peach dress for her and accompany her to the fitting room. "
Baling nito sa sales lady.

" Yes Sir."

" Wait. Also this, and this and that. Paki piliian na rin siya ng casual wear." Sabi nito na agad tumalima pa ang isang sales lady. Ang nauna naman ay sinamahan siya sa fitting room.

" Sukatin nyo po ito maam. Bagay po ito sa inyo."sabi ng sales lady ng dinala siya nito sa fitting room.

" S- Sege. Huwag mo na akong tawaging Maam. Naasiwa ako eh."

" Po? Sege po. Bagay na bagay po kayo ni Sir. Ang ganda nyo po at ang gwapo niya."

Peke ang ngiti na ibinigay niya rito. Kumakarengkeng ang isang to. Alam niya ang lalaki lang ang napansin nito kanina. Nagpagcute pa nga ito eh. Naku!sarap tirisin. Idinamay lang siya para hindi halata.

Isinukat nya ang damit. Hindi nya maiwasang maasiwa ng sabihin ng sales lady na hindi maganda kung magshoshort pa siya kaya tanging step in lang ang bumabalot sa pagkababae niya. Bakat kasi sa dress kung suot pa niya ang short. Dapat pala ay nagcycling siya. Kung alam lamang niya na magsusuot sya ng ganoon.

" Ahmmn Maam. Ang sabi po ni sir huwag nyo na daw pong hubarin kasi may pupuntahan daw po kayo."

" Hah? "

Napakamot tuloy siya. Hindi talaga siya sanay na panty lang ang suot sa loob ng dress. Above the knee pa ito.

" Pinalalabas na po pala kayo ni sir pagtapos nyo raw pong suotin yang damit."

Napakagat labi siya sa nadaramang hiya. Ano nalang ang sasabihin nito sa kanya? Na hindi bagay sa kanya ito. Bakit ba kasi narito siya sa ganoong sitwasyon?

Ahhh!magtiis siya. Siya ang dahilan mg kinasasadlakan kong sitwasyon. Kailangan ko pa magpanggap sa harap ng iba. Hirap kaya!

Sa naisip ay nagakaroon siya ng lakas loob na lumabas ng fitting room. Nakita niya itong nagbabasa ng magazine habang prenteng nakaupo sa couch malapit sa pinto. Di ba sosyal ang boutique may couch.? Nilapitan niya ito pero hindi yata naramadaman ang presensya niya napilitan pa siyang tawagin ang lalaki.

"Sir, saan pa po ba tayo pupunta?"

Parang slow -motion ang pagbaba ng magazine na hawak nito at pagbaling ng tingin nito sa kanya. Pati yung pagkislapan ng mata nito ay parang slowmo rin kaya napalunok siya. Bahagya pang napaawang ang pinkish nitong mga labi.

" What the f*" mahinang usal nito. Pagkatapos ay hinagod ang parte ng katawan niya simula sa dibdib hanggang sa nakalitaw niyang mga hita.

" That is too revealing. Change it again." Anito na bahagyang umiwas ng tingin. Kumunot noo nito. Akmang babaling itong muli sa sales lady ng pigilan niya ito.

"Its okay Sir. Sexy naman ako diba? Tama na ito tara na."

Agad niyang kinuha ang kamay nito at hinatak ito patayo. Binitbit niya ang alam niyang pinamili nito. Nasa tabi lang kasi nito ang mga iyon. Ayaw pala ng revealing huh! Puwes magtiis siya. Ako ang masusunod. Ako ang magsusuot. Mas maganda nga ito panget sa paningin niya.

Hindi ako mahihiya tuwing titingin ito sa kanya. Mabuti nalang pala at pink na flat shoes ang suot nya na bagay naman sa damit na suot niya. Mukha nga lang poste sa taas ang lalaki. Matangkad na ako sa 5'6 na hieght pero ito ay parang 6 footer ata.

" Tsk! hard headed."

Bulong nito. Sinimangutan niya ito at binilisan ang paglalakad ng hawak parin ang kamay nito. Ang hindi niya inaasahan ay ng madupilas siya dahil sa pagkabuhol- buhol ng paglalakad niya. Naging O.A siguro ang pagmamadali niya habang hatak ito. May naapakan palang sauce ng jollibee. Iyon ang naging dahilan kaya nadupilas siya. Masuwerte na lamang siya dahil mabilis ang reflexes ng lalaki at nahapit siya nito para hindi tuluyang madulas. Nasapol nga lang ng labi nito ang nakahantad niyang balikat na agad ikintayo ng mga balahibo niya. Parang may kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan.

"What the hell!"

Wala na ba itong alam sabihin kundi What the hell? Galit na pinulot nito ang lagayan ng sauce at agad na pumasok sa loob ng jollibee habang hawak siya.

" Where's your manager here?"

Galit na tanong nito sa Janitress na naroon. Tila naman nahintakutan ito at agad tinawag ang manager.

" Yes, Mr. Aragon? Ano pong problema rito?"

Takot pero pormal na sabi ng manager ng naturang fastfood.

" Look at this stuff. Muntikan ng madulas ang girlfriend ko ng dahil dito. This place is lack of cleanliness."

" I'm sorry for the inconvenience Sir. Ipapalinis ko na lang po ulit."

May sasabihin pa sana si Agathon ng pigilan niya ito.

" It's okay S- Agathon. Sweetheart. Hindi naman ako tuluyang nadulas. Salamat at naligtas mo agad ako. C'mon, diba may pupuntahan pa tayo. Lets go sweety.."

Hinila na niya ito bago ito makapag salita.

" Tsk! Clumsy." Bulong nito.
Napangiti siya kasi kinikilig siya sa naging reaksyon nito.

My Sweet Monster😈




VOTE
COMMENT
FOLLOW

May pa clumsy clumsy pa si Agathon!

The Monster's Maid(Maid Trilogy 1 UNDER EDITING)Where stories live. Discover now