Chapter 18: Im sorry

84 8 0
                                    


This is a continuation of the previous chapter

HOPE YOU ENJOY READING!

🔰🔰🔰
Bago pasiya nakalapit ay sinalubong na siya ni Agathon at hinawakan ang kanang kamay at iginiya paalis sa lugar na iyon

" So possessive!"

Narinig pa niyang sabi ni Ash bago sila tuluyang nakalayo sa mga ito.

" Sino nagsabing magsuot ka ng ganyan? Jesus!"

Nakakunot noo nitong sabi ng makapasok sila sa nipa house na para sa kanila.

"Uhm.... h-hindi ba bagay?"

"Hindi!"

Galit na sagot nito, natameme siya. Ang sabi ni Ash ang sexy daw niya tingnan. Tapos ang sabi ni Agathon hindi bagay. Baka naiinggit ito sa suot niya at gusto nito sya ang magsuot. Sukat sa naisip ay napangiti siya. Gusto pa sana niyang matawa.

"What so funny, woman?!"

Kumuha ito ng t-shirt nito sa cabinet at inihagis iyon sa mukha niya.

"Here, iyan ang isuot mo."

"Ayoko nga! Sir naman eh! Sexy naman ako diba?"

"You? Hindi bagay. Isa pa sino bang pinase-sexy-han mo?"

"Wala syempre. Gusto ko lang makipagsabayan."

" Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi bagay sa iyo."

Naiinis na siya rito. Bakit si Bridgette na halos hubad na sa harap nito ay hindi nito sabihang hindi bagay. Nakakainis na ha. Sino ba nagsasabi sa kanila ni ash ng totoo?

Lumapit siya sa malaking salamin para sipatin ang sarili. At nagulat siya sa nakita. Hindi siya ang may-ari ng swimsuit pero parang ginawa iyon para sa kanya.

"Ang sexy ko?!"

"You're not sexy?"

Napasimangot siya. May kontrabida.

"Hindi ko isusuot iyan. Pwede ba Sir Agathon kung naiinggit ka magsuot ka rin ng ganito!"

" W-what?" Seryosong tanong nito

Kanina pa ito what nang what nakakainis na.

" Woman, you don't know the effect of your stubbornness."

" Ano bang masama sa suot ko. Sir. Eh, beach itong pinuntahan natin. Isa pa bakit ba nakikialam ka sa suot ko? Mabuti nga ito para makabingwit ako ng mayaman." Wala sa loob na sinabi na lamang niya rito.

" Walang ibang tao rito para makabingwit ka ng mayaman. Maliban na lamang kung nagpapansin ka talaga kay Blademier kaya ang lakas ng loob mong isuot iyan"

Kung hindi lang niya ito amo ay pipilipitin na niya ang leeg nito.
Akmang tatalikuran niya ito ng mahawakan siya nito sa braso.

"And where do you think you're going?"

"Kay Blademier po, Sir. Magpapapansin!"

Inis na inalis niya ang kamay nito saka nagtangka muling lumabas pero this time ay hinapit na siya nito sa beywang at idinikit ang katawan niya sa katawan nito.

Nahigit niya ang hininga ng ilapit nito ang mukha sa mukha niya.

" Gusto mo talagang malaman ang gagawin ng mga lalaki kapag nakita kang ganyan."

"Uhm-"Ang tanging lumabas sa bibig niya nang walang pasubali nitong sinakop ang iyon. Mapagparusa ang halik nito na wari ay may galit ito sa kanya.
Kinapos siya ng hininga bago nito bitiwan ang kanyang mga labi. Ang feeling pa niya ay namamaga na labi niya.

The Monster's Maid(Maid Trilogy 1 UNDER EDITING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ