Chapter 11: I Missed You

64 8 1
                                    

Masasabi kong bilog ang mundo. At may mga salita talagang minsan ay nilulunok natin nang 'di sinasadya. Kaya 'wag tayo munang magsalita ng tapos. Napakabilis ng pangyayari pero doon din naman ang punta n'on.



🖤🖤🖤

Matapos ang birthday party ng señora ay halos tatlong linggo na na hindi niya nakikita ang masungit nyang amo ang sabi ni manang may dinaluhan na business conference sa ibang bansa. Mayroon din kasi itong negosyo sa ibang bansa. Mas mabuti na nga iyon kasi hindi niya rin alam kung paano pakikitunguhan ang amo kapag naalala niya ang panghahalik nito ng party. Nakakahiya lang at hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan.

"Kumusta, anak?"

Aniya katawagan niya sa cellphone ang anak na si Samantha. Gamit nito ang cellphone ng kaibigan. Noong nakaraang linggo ay dinalaw niya ito. Gusto ngang sumama sa kanya pero ipapaalam niya muna ulit kay Señora Esperanza para magkasama na sila at nang hindi na rin siya nahihiya sa kaibigan. Malaki naman ang kwarto para sa mga servant ng mansyon.

"Kailan ka po uuwe ulit mama?"
Malungkot na saad ng anak.

"Soon, 'nak. Pag may day-off ulit ang mama."

Hindi niya ipinahalata rito na malungkot at nami-miss na niya ito. Ngayon lang sila nagkalayo ng anak. Pero alam naman niyang aalagaan itong mabuti ng kanyang kaibigan.

"Antay kita mama, pangako mama kakain tayo jollibee ha, paguwe mo?"

"Yes of course, baby. Promise 'yan ng mama."

"Love you, Mama."

"Love you too, Samantha"

Nagpaalam siya sa anak at binalikan ang ginagawa. Kasalukuyan niyang kinukuha ang vaccum cleaner para linisin ang loob ng kwarto ng masungit niyang amo nang makarinig ng nagsalita sa likuran nya.

"I knew it!"

Nagulat siya sa nagsalita sa kanyang likuran at nakatingin ito sa suot niyang damit pangkatulong.

"Blademier! Ang i- ibig ko pong sabihin ay Sir Blademier."

Amuse kasi itong nakatingin lang sa kanya.

"Oh, drop the sir Leticia. I knew that Agathon are something up to."

Nakita niya ang malawak na pagkakangiti nito.

"Sir?"

"By the way,  nice to see you again Leticia. Can we be friend?"

"Ah, s-sege po, Sir," nahihiya niyang sabi rito.

"Huwag mo na akong tawaging Sir." pag-uulit nito.

"Tutal si Agathon naman talaga ang amo mo."

Parang may ibig pa itong ipakahulugan doon.

"Ang gulo kasi ng pakilala nyong dalawa. Si Agathon talaga!"

"Pasensya na sir napilitan lang po akong gawin iyon"

"Huwag kang humingi ng sorry wala naman sa akin iyon. Pero alam mo bagay kayo ni Agathon although talagang nakuha mo ang atensyon ko."

Namumula ang mukha niya at wala siyang mahagilap na sasabihin dito.

Natawa ito.

Nagpaalam siya rito na maglilinis ng kwarto ni agathon. Tumango lang ito na nakangiti ng malawak sa kanya. Agad siyang nagtungo sa silid ng amo at naglinis kahit sa tingin nya ay wala naman dapat linisin dahil araw- araw siyang naglilinis doon.


~••~
Gabi na pero parang hindi pa siya inaantok. Naiisip niya ang kaninang pag-uusap nila ni Blademier. Alam na nito ang sekreto nila ng amo. Ano kayang iisipin ni Agathon patungkol doon?

Nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura hindi pa pala siya kumakain busog pa kasi siya kanina. Alas-dos na ng madaling araw at alam niyang siya na lamang ang gising nang mga oras na iyon.

Tumayo siya at pinagbigyan ang kumakalam na sikmura. Nagtungo siya sa refrigirator. Tanging ang ilaw na lamang sa kusina ang binuksan niya kaya medyo dim ang paligid. Kinuha niya ang tirang kaldereta na niluto ni manang at akmang papainitin iyon sa oven ng makabunggo siya ng bulto ng tao na nakatayo sa likod niya. Natapon tuloy rito ang sauce ng hawak niyang ulam.

"Tsk!"

Tila inis na reaksyon nito.
Biglang nanlaki ang mata niya nang mapagsino ito. Biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at parang lalabas iyon sa sobrang kabog. Parang na-miss niya ito. Tatlong linggo ring hindi niya ito nakikita. Nakita niya ang pagdantay ng kamay nito sa ref. Kaya parang nakakulong siya ngayon sa braso nito.

"Miss me, huh?"

Ganoon ba kabulgar ang reaksyon niya at nabasa nito iyon? Pinamulahang pilit niyang binawi ang katinuan ng pagiisip.

"I'm sorry sir! Kukuha ko po kayo ng pamunas. Hindi ko po alam na nariyan po pala kayo."

"Tsk! Clumsy ka talaga, get me a shirt and please serves me food. I'm dead hungry."

Lumayo na ito at umupo sa upuang nasa harap ng hapagkainan.

"Yes, Sir!"

Mabilis siyang kumuha ng t-shirt at ibigay iyon sa amo. Napatalikod siya ng hinubad nito ang suot na polo at pinalitan ng damit na ibinigay nya.

Nakalimutan nya gawain pala nitong maghubad nalang basta sa harapan niya, hindi yata alam na panawan siya ng ulirat kapag nasisilayan ang mga hitik na masel nito sa dibdib. Pati na rin ang mga abs nito parang ang sarap hawakan .

Bigla siyang pinamulahan sa naisip at nagkunwaring initin na lamang ang mga ulam na natira sa ref. Ininit niya lahat ng iyon bahala na ito kung alin ang magustuhang kainin. Mabuti na lamang at nakabihis na ito ng humarap siya. Ipinaghain niya ito. Tumingin ito sa kanya ng makitang nakatayo lamang siya habang hinihintay itong kumain.

"Get your food and join me"

"Ah! Hindi na sir pag-"

"Sumabay kana sa akin kung ayaw mong ako mismo ang mag-upo sa iyo para makakain ka."

Wala talagang modo ito. Hindi man lamang siya pinatapos magsalita. Kumuha na lamang siya ng makakain at sumabay na rito. Kaya lang hindi siya makakain ng maayos dahil nakatingin ito habang kumakain siya at naaasiwa siya roon.

"Sir pwede po ba itigil nyo ang kakatingin sa akin. 'di ako makakain sir. Nakakasiwa."

Tumaas ang sulok ng labi nito. Lalo tuloy itong gumwapo sa paningin niya.

"Para ka kasing bata kumain."

Anito at may inalis na mumo ng kanin malapit sa ibabang labi niya.

Lupa lamunin mo ako!

Nasabi niya sa isip nang dumampi ang daliri nito sa balat niya. Kumakabog ng sobra ang kanyang dibdib. Ano ba ang ginagawa ng amo niya at nagkakaganito siya?

Nahihiyang pinunasan niya ang labi para kasing kinukuryente siya doon.

"I've been missing you"

Nanlaki ang mata nya sa sinabi nito at gayon din ito. Parang nagulat ito sa lumabas sa bibig. Nakita niyang tinapos nito ang pagkain at agad na umakyat sa hagdan at iniwan siya ng walang pasabi.

Nang wala na ang lalaki ay napahawak siya dibdib. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso.

Na-miss daw siya nito?

Pero parang ganoon din ang nararamdaman niya. Na-miss niya rin ito. Gusto niyang matawa sa sarili. Ang kapal naman ng mukha niyang maramdaman iyon!

Natatawa siya pero ang lakas parin ng kabog ng dibdib niya. Napakagat- labi siya habang naglalakad papunta sa kwarto niya. Ang kailangan siguro ay matulog siya para maalis sa isip ang bagay na nararamdaman sa amo.


VOTE
COMMENT
FOLLOW

Lab lab is in their way.. everything is gonna be okay.. ( tama ba lyrics?)

Myalo_Write Works

The Monster's Maid(Maid Trilogy 1 UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon