Chapter 15: Flight to Siargao,The heaven place

60 8 0
                                    

Luciana

Unti-unting umangat ang Eroplanong sinasakayan nila patungong Surgao Kung saan gaganapin ang business vacation ni Sir Agathon at ng iba pang kliyente. Kasama na rin ang mga may bahay ng mga ito..kung baga kanya kanya silang partner.its a private plane kaya iilan lang silang naroon.

Bakasyon habang nagbubusiness. Pwede pala iyon?Pero hindi iyon ang nakapagdulot ng pagkalito sa kaniya kundi ang pakiramadam na may nagtatambol sa puso niya at parang may humahalukay ng buong kalamnan niya. Hindi siya sanay sa pagsakay ng Eroplano. Ganito pala ang pakiramdam ng first time makasakay sa eroplano. Nakakanginig. Napahawak tuloy siya ng mahigpit sa dalawang side ng kinauupuan niya. Tila napansin iyon ng lalaki kya mabilis pa sa isang sigundong hinatak siya nito paupo sa kandungan at yakapin ng mahigpit.

" Close your eyes Luciana and don't be afraid. I'm here beside you." Ani nito.

" Sir-" yumakap siya dito pabalik ng maramdamang safe siya sa mga bisig nito.

Halos isang oras na sila sa ganoong sitwasyong ng makaramdam siya na parang may tumutulong tubig sa mukha niya. Tumingala siya sa lalaki. Pinagpapawisan ito kahit Aircondition ang Eroplanong Sinasakyan nila. Dinukot niya yung panyo sa bulsa saka ipinunas dito. Bigla naman itong Napaaatras

"Don't ever do that. I'm ok. Just stay this way till the Airplane settle down."

Napayuko siya sa naging reaksyon nito. Muka ba siyang may nkahahawang sakit at parang ayaw nitong madikitan? Bakit yinakap siya nito?

" I-I'm also okay sir. B- babalik na po ako sa upuan ko." bulong niya rito habang nakayuko.
Ibinaba nito ang tingin para mahuli nito ang kanyang mata at para magtagumpay ito ay maliit na hinawakan siya nito sa baba at iniangat iyon. Ibinaling na lamang niya ang kanyang paningin sa iba. Ayaw niyang makitang nasasakatan siya sa reaksyon nito kanina.

" Jesus! Woman, Am I that rude? Did I say something! Oh' sorry, I didn't mean it that way. "

napalingon tuloy siya rito. Kahit anong tago niya ay halata naman pala nito yung pakiramdam niya.

" Sorry Sir. Para kasing ayaw mong madikitan kanina.." nakasimangot ba sabi niya rito.

"Its just......"

hindi nito itinuloy ang sasabihin at tinitigan lamang siya. Matagal iyon bago ito napangiti. Natutok naman ang paningin niya sa mga labi nitong nakangiti.

Nasa langit na ba ako?

And then she feels his lips brushing against her lips. She close her eyes to feel the moment. After a while she open her mouth to welcoming his and answered it how intense the man is kissing her. Habol nila ang paghinga ng bitiwan nito ang mga labi niya. Tinitigan siya pagkatapos at buong pagsuyong hinalikan siya sa noo. Gusto niyang basahin kung ano ang iniisip nito kaya tiningnan niya ito derekta sa mga mata.

" Bakit mo ginawa iyon?" Tanong niya pagdaka.

Bumuntong hininga ito.

" They're watching us."

Tukoy nito sa mga kasama sa eroplano. Malalaki ang ngiti ng mga itong nakatingin sa kanya. Maliban na lamang sa kaibigan nitong si Blademier na may katabing isang babae. Nakakunot nuo itong nakatingin sa kanila. Bumaling siyang muli sa lalaki at hindi na pinigilan pa ang sarili. Ikinawit niya ang dalawang kamay sa batok nito at hinapit iyon para magtagpo ang kanilang mga labi. Buong puso niya iyong inangkin. Nang kapusin sila ulit ng hininga ay ito naman ang nagtanong.

" Why did you do that?"
Ngumiti siya rito.

" Nakatingin kasi sila."

Napangiti nalang ito sa sagot niya. Napapadalas na ata ang pagngiti nito. At sobrang nakakagaan sa pakiramdam. Mababawasan na siguro kasungitan nito.


🖤🖤
Nasaktan siya ng mauntog ang nuo sa salamin ng bintana ng eroplano. Naalimpungatan siya at napatingin sa katabing lalaki. Nakatutok lang ang pansin nito sa magasine na hawak hindi yata siya napansin. Napatingin siya sa paligid at napagtantong nanaginip lamang siya. Parang totoo na nagkaroon sila ng intimate ng amo niya. Kung hindi pa siya mauuntog ay hindi pa siya magigising sa katotohanan. Natampal niya ang nuo sa paulit ulit na alaala ng halikan nila sa panaginip. Para kasing totoo.

" Are you okay?"

Napansin yata nito ang pagkaaburido niya.

"M-Mmay lamok."

" Lamok? Tsk! Baliw."

Sabi nito at bumaling muli sa binabasang magasine.

Ang lame naman kasi ng palusot niya. Pero parang tototo talaga ang panaginip niya.

🖤🖤
Hindi niya naiwasang mamangha ng makarating na sila sa distinasyon. Ang lugar ay pagmamayari ng isa sa mga kliyente nito and soon to be his shareholders sa shipping port na ipinapatayo ng kanyang boss. Ang ganda at ang linaw ng tubig na nakikita niya.

Siargao is the heaven place. Sobrang ganda. Kararating niya lang pero gusto na talaga niyang magtampisaw sa tubig.

Napukaw ang kanyang pansin sa babaing papalapit sa kanila. She is wearing two peace swim suit na natatakpan ng manipis pang tela sa ibabaw nito. Malapad ang ngiti nito sa kanila partikular kay Agathon.

Napasimangot si Luciana. Nakalimutan niya na isa amg ama ni Bridgett sa kliyente ng boss niya and soon to be kasosyo ng Triple A. Kung nagkataon palang nagkagusto rito si Agathon ay lalong makikilala ang negosyo ng mga Aragon.

" Hi everyone! Nauuna na kami ng papa rito sa Siargao to check if the accommodation is okay. You know that I don't want to feel embarrassed with Mr. Aragon."

Kumindat pa ito sa Amo niya. Hindi yata napansing kasama siya nito.

" Oh' it's beautiful here Ms. Talaserna. Baka dito ko rin ayain ang aking mga amiga. Right honey?"

Sabi ng mama ni Blademier. Tumango naman ang kausap nito. Ngayon lamang niya napansin si Blademier. Bagay rito ang suot nitong tokong short na kulay khaki at blue shirt na v-neck. Napansin ata nitong pinagmamasdan niya ito kaya tumingin ito sa kanya at ngumiti.

Napangiti narin siya rito.
Naramdaman niya ang paghapit ni Agathon sa beywang niya kaya napatingin siya rito. Nakita nya na parang naiinis ito sa hindi niya malaman dahilan.

Kinagabihan ay hindi siya mapakali kasi sa iisang kwarto lamang pala sila ni Agathon matutulog. Hindi siya nakaangal kasi Walang dahilan para umangal siya. Ang alam ng mga ito ay they were living in a same place. Sa bahay ng mga Aragon. Ang alam ng mga ito ay duon na siya nanunuluyan since wala siyang kamag-anakan sa pilipinas.

Minsan nakokonsensya na siya sa kasinungalingang tumatagni sa pagkatao niya para lang makasabay sa pagkakakilanlan ng amo niya.

" Matulog ka na luciana."

Napatingin siya sa pumasok na lalaki. Naka pajama ito matulog habang walang pang-itaas. Kinuha niya ang unan at nagtungo sa sopa na nakaharap sa television na naroon.

" What do you think you're doing?"
Nagtatakang tiningnan niya ito.

" Matutulog."

" You sleep here in bed. Beside. Me."

" Ay, Hindi na sir! Malikot po ako matulog."

" Tsk! Bubuhatin kita papunta rito kung iinsist mo yang gusto mo."

Sukat doon ay mabilis siyang tumayo at humiga sa tabi nito pero sinigurado niyang hindi niya madidikitan ni dulo ng daliri nito. Mabuti na iyong sigurado kasi baka makasuhan pa siya ng attempted rape pagnagkataon.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
VOTE
COMMENT
FOLLOW

Akala ko rin totoo na. Panaginip lang pala ni Luciana.

Sana kinilig kayo my dear readers!

The Monster's Maid(Maid Trilogy 1 UNDER EDITING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें