Chapter 5: The boss

83 10 0
                                    

Hsssh..... Sinipag mag UD. I'm Happy kasi nabuksan ko ulit itong account ko. Just follow, add nyo ko mga Maal's. Kung gusto nyo lang. 'Yon lang po thank you..hummmwah!!!

                            ♥♥♥
Napakalaki ng bahay na ito. Nakakamangha sa sobrang gaganda ng display at kagamitan.

"Oh,iha dito ka matutulog ha. Ito ang kwarto mo at iyong sa kaliwa ang sa akin. Itong kanan kay Veronica. "
sabi ni manang Lucy nang maihatid sila nito sa kwartong inuukupa nila. Si manang Lucy na ang natagpuan nila kasi wala si Donya Esperanza at myay oinuntahn raw ito. 

Nang makapasok sa loob ay agad niyang ibinaba ang mga gamit na dala niya.
Hindi niya isinama si Samantha at iniwan ito sa kaibigan. Saka na siguro kapag palagay na ang loob nya sa mga tao roon.

"Mayamaya iha umakyat ka doon sa kwarto ni sir Agathon, linisin mo yung kwarto nya. Two days din akong hindi nakapaglinis doon kasi isinama ako ni Donya Esperanza sa mga lakad nya. Si Veronica naman ay nasa probinsya ngayon. Sa makalawa pa ang uwi ng babaeng iyon."

"Opo. Salamat po sa pagdala ng gamit ko" ,sagot niya sa matanda.

Nagpasya siyang puntahan ang kwarto na sinasabi ni manang Lucy. Medyo nasa sulok ang kwarto ng amo nya pero napaka cosy tingnan. pinto palang na kulay abo mukhang mas maganda pa kapag nakapasok ka sa loob. Pinihit nya ang seradora ng pinto.

Isinungaw niya ang ulo. Una nyang nabungaran ang maliit na sala nito. b
Bukas pa ang T. V mukhang nakaligtaang patayin. Tuluyan siyang pumasok tanggan ang mga gamit sa paglilinis. Mukha namang malinis na ito maliban sa maliit na mesa na may nakapatong na alak na halos hindi pa ubos at isang kopeta. May biglang lumitaw na kamay sa sopa. Nakaharap kasi sya sa TV sa may bandang kaliwa nya at may isang malaking sopa sa tapat n'on ang kamay ng lalaki.

Diyos ko po Lord!  Paano siya maglilinis? Natutulog pa pala ang amo nya. Bigla tuloy siyang na-curious na silipin ang amo. Sobrang ganda kasi pagmasdan ang mga braso nito na sa tingin n'ya ay batak na batak sa ehersisyo. In short mamasel.

Bigla siyang nagutom naalala nya 'yong pandesal na binibili niya kay mang Pedring. Masarap iyon at may mantikilya sa ibabaw.

Ay!  Bakit ba pati pandesal ni Mang Pedring ay naaalala niya?

Kung alam lang niyang lalo siyang gugutumin, hindi na sana s'ya nagtangkang silipin ang amo dahil kung ang braso nito katakam-takam na mas pa ang buong katawan nito. nakadapa ito matulog at tanging boxer short lang ang suot.
Napasinghap siya nang mapagmasdan ang hita nito. Kung baga sa puno ay hitik sa bunga. Itong isang to ay hitik sa masel. Ang pwet nito ay napaka tambok parang ang sarap lapirutin!

Yummm...

Bulong niya sa isipan.
Nakita nya dahan dahan itong tumihaya kaya nataranta naman siya kung paano makakaalis sa harapan nito,pero huli na ang lahat nakaharap na ito sa kanya kaya naistatwa sya sa kinatatayuan. Buti nalang at nakapikit pa rin ito.

Hah! kamuntik na ako 'ron.

Baka sabihin nakikinuod sya ng TV este nag-sight seeing sya at ito ang napili nyang tanawin.

Speaking of TV. kanina pa pala ito nag-iingay at kung ang anong sinasabi na hindi naman nya naiintindihan. Pinatay nya ito muling dumako ang tingin sa tulog na si Hercules.

"Who are you and what are you doing here inside my room?"

"Ay Hercules!," gulat na sambit nya ng hindi mapansing mulat na pala ito. Hindi na ito tulog. Oo, hindi na ito nakapikit. Hindi na ito tulog.

My god! Paulit-ulit!

Nalunok n'ya ata ang dila ang n'ya isama mo pa pati ngalangala. Nakaupo ito ng prente paharap sa kanya na akala mo'y balot na balot e halos hubad na ito sa suot nitong boxer short.

Pinasadahan siya nito mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo. At tumigil iyon sa mukha nya. namula siya sa ginawa nito. Nakakainis, nakasuot pa naman siya ng bestida na lagpas tuhod na may kwelyo at manggas. Mukha siyang a-attend ng graduation.

Sandali,bakit ba iyon ang iniisip nya. anong koneksyon?

"You?!"

Nanliit ang mata nitong maliit na dahil sa pagkasingkit.

"Y-yes me, Sir!"

"You?! What are you doing here Gabriela Silang?"

Nagpapatawa ba ito?tatawa na ba ako?

Seryoso niyang tanong sa sarili.

"Err..ha ha ha..ha..ha.."

Wait bakit ba ako tumatawa? Di pa naman kami close ni sir.

Sandali! Parang pamilyar sa akin ang isang to. OMG! Oh my Geed!!!

"So, you recognized me."he said with sarcasm.

Oo tama nakilala nya nga ito. Ito iyong guwapo ngunit masungit na lalaki. 'Yong tungkol sa five hundred at 'yong tungkol sa kuting. Ito 'yong lalaking ubod ng gwapo pero ubod din ng sungit. Bakit ang sama yata ng araw niya?

Natutuwa na sana siya na mayroon siyang trabaho pero bakit sa dinami dami ng lugar ay dito pa siya napadpad sa bahay ng lalaki. Is this really for real? Baka naman nagkakamali lang siya ng tingin. Pinasingikit niya ang mga mata at inaninag itong mabuti. Pero kahit anong tanggi niya ay mukha talaga ng lalaking muntikan nang sagasaan ang nakikita niya.

"What the f* talaga!" bulong niya pero feeling niya ay narinig nito. Huminga siya ng malalim ng ilang beses pero hindi talaga niya lubos maisip eh.

Nakakaloka di ba?

Sa dinami daming lugar ay makikita pa niya pala itong sobra sobrang gwapo este! Masungit na lalaking ito!

Whats on Eath?

Ang lalaking masungit ay amo niya.  Ilang beses na Ba siyang minalas ng dahil dito?

Good luck talaga sa trabaho niya.



You like it?
I Found it sabaw!

So ayan nalaman na ni Leticia na si Agathon ang amo niya at ang tanging pagsisilbihan niya. Ano kayang mangyayari gayong sinungitan niya ng todo ang lalaki?

I did the major editing with this story. Each chapters had a short update but writing must really go on. How I wish I have time to edit this fully but anyway please do;

FOLLOW MY ACCOUNT
THANK Y0U SO MUCH MY Maals!

The Monster's Maid(Maid Trilogy 1 UNDER EDITING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum