"Just take it, Chlo." bulong sa akin ni Max. Ang card ko ang ginamit namin para makapasok sa loob ng unit ni Max. Sa living room iniwan ang mga bagahe ko at saglit na pumaywang si Kei habang tinatanaw ang buong lugar. "She's safe here, don't worry." tinapik ni Maxine ang balikat ni Kei.

Ako naman ay hinila na ang mga gamit ko papasok sa kwarto ni Maxine. They talked again. Hindi ko na narinig pa ang pinag-usapan nila dahil pumasok na ako sa kwarto at naglagi roon ng ilang minuto.

Pagkalabas ko ay si Maxine nalang ang natitira roon at nasa kanyang kusina habang nagluluto. Lumapit ako sa kanya at inilapag ang suot kong cap sa counter. "Where is he?"

"Bakit mo hinahanap? Na-miss mo?" umupo ako sa high chair at pumalumbaba.

"Of course not!" tanggi ko.

"Umalis na dahil susunduin pa raw si Eclaire galing sa taping." I just shrugged my shoulders. May fiance nga pala sya. I almost forgot.

"Kain muna tayo bago ka magpahinga." hinintay ko nalang matapos magluto si Maxine bago ako natulog sa kanyang kwarto.

Umaga ng sumunod na araw na iyon ang sumunod kong gising. Maxine told me that she'll be leaving early because of her work. Hinayaan nya akong ipagpatuloy pa ang naudlot na tulog para maipahinga ko pang mabuti ang aking sarili.

Bandang alas diyes ng umaga ay gumising ako at agad tinawagan si Daddy para kamustahin. Sinabi ko sa kanyang dito ako tumutuloy pansamantala sa aking kaibigan. I also asked if Chlerie already called her. May iilang bagay kaming pinagkwentuhan habang nagsisipilyo ako ng aking ngipin.

I ended the call right after I get out from the wash room. Itinali ko ang aking buhok at naglakad papunta sa kusina.

I brewed my own coffee. Pagkatapos noon ay nag-almusal ako ng pagkain na nakatakip sa may lamesa. I then wash the dishes afterwards. Nakatanggap ako ng mensahe bago ako tuluyang pumasok sa bathroom para maligo.

It's Max asking me to go in her restaurant so we could have our lunch there. Nagtipa ako ng mensahe para sabihing dito nalang ako maglu-lunch sa kanyang condo. I'll just find a restaurant or a fastfood nearby, that would be enough.

Pagkatapos kong maligo ay saglit akong tumambay sa kanyang living room para manood ng panghapong palabas. Lagpas ala una na ako nakaramdam ulit ng gutom at naisipang lumabas. I wore my jacket kahit nakita kong medyo mataas ang sikat ng araw sa labas and a pair of sunnies.

Sinilip ko muna ang labas. I just hope Kei's not in here. Nang masigurong walang tao roon ay tsaka ako tumakbo patungong elevator at tahimik na nakalabas. I saw a Jollibee nearby. Iyon ang pinuntahan ko dahil iyon ang sa tingin ko'y pinaka-malapit.

"Ano pong order nyo?" tanong noong babae. Tumingin ako sa menu. Nakalimutan ko na ang mga pagkain dito. Kahit noong bata ako ay hindi naman kami nagpupunta rito ng pamilya ko. I just know this food chain by my friends in school.

"One piece chicken, spaghetti and creamy macaroni soup."

Inulit nya ang mga orders ko bago sinabi ang halaga ng pagkaing inorder ko. Agad kong kinuha ang aking wallet sa bulsa ng aking shorts at tinignan doon ang mga dala kong cash. Where's my Philippine peso?

"Wait lang, Miss, ha?" wika ko roon sa babae at hinalukay pa ang aking wallet para maghanap ng Peso. "Uhm, do you accept Euro?" sa tanong kong iyon ay napalingon ang babae sa kanyang kasamahan.

Bakit ba nakalimutan kong magpa-exchange ng cash?! I'm so stupid! Gusto kong batukan ang aking sarili nang biglang may nagbaba ng limang daan sa counter. "I'll pay for her food. Add another spaghetti and large coke."

Killing Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now