Chapter 1

886K 19.3K 6.7K
                                    

Night out

Habang nakatingin ako sakanya, hindi ko maiwasan na mainis. Well, I'm always irritated because of him. Siya kasi 'yong klase na tao na masyadong pabida at papansin. He doesn't know the phrase "Mind your own business". Palibhasa, gustong-gusto niya kapag napapagalitan ako ng parents namin. Gusto niya sakanya lahat ng atensyon. What a jerk.

"How's school, Kiro?" tanong ni Dad.

Ngumiti siya, "Okay lang po Dad." Ang nakakainis pa sakanya, ang inosente ng mukha niya. Siguro kahit anong gawin niya, hindi siya pag-iisipan ng masama ng parents namin.

Tumingin naman sakin si Dad. Pagtingin pa lang niya sakin, disappointed na agad ang mukha niya. Nothings new about this, he's always disappointed at me. "Skie, ipapatawag na naman ba ako ng guidance ngayong week?"

See the difference. Kapag si Kiro, ang positibo ng tanong nila pero kapag sakin, talagang negative agad. This is what I hate about my family. This is what I hate about my father.

"Don't worry Dad, good boy ako ngayong week. Siguro next week mapapatawag ka na." Ngumisi ako sakanilang lahat. Tumayo na ako sa upuan ko. I can't stand to be here, anymore. "I lost my appetite."

I know Dad is glaring at me but I don't fvcking care. He started this so he better be considerate.

Humiga ako sa kama ko. I'm so damn pissed off.

Kailan ba darating 'yong araw na hindi ako maiinis sa pamilya ko? Lalo na sa kapatid ko.

Tinawagan ko si Waxy, "Bro, alis tayo."

"Are you sure? Papayagan ka ba ng Daddy mo? 'Di ba nga, grounded ka dahil sa ginawa mo last week."

"I don't care about him," naiirita kong sagot. "Sasama ka ba o hindi?" atat kong tanong.

"Okay, I'll call Byron."

Nagbihis na ako. Wala akong pakialam kung ano pang sabihin nila Dad. Isa pa, tatakas naman ako, eh. No one will know that I'm gone. Wala naman silang paki-alam sakin.

Dumaan ako sa likod ng bahay at nakatakas naman ako. Naglakad ako papalayo kung saan naghihintay sakin si Waxy at Byron.

"Para sa night out talaga, 'di ka papatinag." Sambit ni Waxy. "Tara na, let's get to party!"

Pinatugtog niya ng malakas ang speaker ng kotse niya. Sana may ganito din akong kotse kagaya sakanya pero for sure, hindi papayad si Daddy. Mahal ko ang parents ko pero minsan naiisip ko, ano kayang feeling kung iba ang naging parents ko? 'Yong kasing cool ng parents ni Waxy at ni Byron.

"Ang daming chicks dito bro," masayang sabi ni Byron. "Tamang tama para makalimutan ko 'yong ginawa nung kaibigan ng kapatid mo."

Speaking of that girl, hindi pa kami tapos. Makakaganti din kami sakanya.

Birds of the same feather, flock together. Kaya mainit din ang dugo ko sakanya dahil pareho lang sila ni Kiro. Bagay silang mag-sama.

"Ito ba 'yong facebook niya? Angel Beatrix pala ang name niya."

Napahinto ako. May bigla akong naalala sa pangalan na 'yon. Kinuha ko agad ang phone ni Waxy. Tinignan ko 'yong mga luma niyang litrato at nagulat ako sa nakita ko.

Hindi ako makapaniwala na si Trix at ang babae na 'yon ay iisa. Ang laki ng pinagbago niya. Mas gumanda siya ngayon pero naiinis pa din ako sakanya.

"Oh, bakit Skie? In love ka ba sakanya?" Tanong ni Waxy. "Parang nung nakaraan, galit na galit ka sakanya."

"Ako in love sa babaeng 'to? Are you even serious? She's not my type and I even hate her."

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon