Nginisian ako ni Byron. "Why stare at her profile?"

"Ngayon ko lang na realize na kababata pala namin siya ni Kiro. Hindi naman kasi ganyan ang itsura niya dati." halos hindi ko na nga siya makilala. Ang pangit niya dati na konti na lang lalamang na sakanya si Betty La Fea. Nag pa retoke ba siya? "Parang ugly duckling turns into a swan ang nangyari sakanya."

Nagkatinginan silang dalawa. "So nagagandahan ka nga sakanya?" Sabay nilang sabi.

"No, she's not beautiful."

Alam kong hindi sila satisfied sa sagot ko. The hell I care, I'm just saying the truth. I will never like that girl. Gumanda lang siya dahil ang pangit niya nuon pero hindi ibig sabihin maganda siya.

Umupo kami sa palagi namin pwesto. 17 pa lang lahat kami pero may fake ID kami kaya nakakapasok kami dito. Karamihan naman ng nandito ganon din ang ginagawa.

"Tignan mo 'yong babae na 'yon," tinuro sa amin ni Byron 'yong blonde na babae na nakatingin din sa pwesto namin. "Anya ang pangalan niyan at balita ko, ang dami na daw nagtangka na maging boyfriend niya pero walang pumasa."

"High standard si baby girl," dagdag ni Waxy. "May karapatan naman, maganda naman siya."

Hindi ko na lang sila pinansin. Uminom na lang ako. Mas naiisip ko pa 'yong Trix na 'yon. Naalala ko na siya. Palagi nga siyang kasama ni Kiro pero hindi ko lang siya maalala at mapansin dahil hindi naman talaga siya kapansin-pansinin. May brace pa siya nuon at malaking salamin halos ayaw pa niya magsuklay. Modern version siya dati Betty La Fea. Baka nga idol niya pa 'yon.

"Skie!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Byron. Kahit anong lakas ng music dito sa bar, boses pa din niya ang nangingibabaw. "Kanina ka pa namin tinatawag, lutang ba naman 'yang isip mo."

"Ano ba 'yon?" Irita kong tanong.

"Kanina ka pa tinitignan ni Anya, bro. Mukhang type ka ata."

"So? I don't like her. She's too common for me." Not to mention, masyado siyang bilib sa sarili niya. Akala niya siguro lahat ng lalaki, patay na patay sakanya. "If you like her then go for it,. Wag niyo na akong guluhin dito."

"No, thanks." sagot ni Bryron.

Nagkatinginan kami ni Waxy. Bago 'yon sakanya. Ano kayang problema niya?

"Mukhang na trauma talaga siya sa pag busted sakanya ni Angel Beatrix."

Seriously? Hindi ako makapaniwala sakanya. Naiinid na ako sa mga inaasal nila. Better do something.

Tumayo ako at pinuntahan ko 'yong Anya na sinasabi nila.

Malayo pa lang ako naririnig ko na ang boses niya. "I told you, he likes me."

Too confident my dear, too confident.

Pumunta ako sa counter at umorder ng drink. Hindi ko siya pinansin kahit alam kong nakatingin sila sakin.

Uminom ako na parang wala lang. It's so good teasing them.

"Akala ko ba type ka? Hindi ka nga niya pinapansin, eh." Sambit ng kasama niya. "May gwapong lalaki pa din talaga na ayaw sa'yo." Dagdag pa niya.

I bet she's mad already.

May bigla na lang humawak sakin. "Hi, can you buy me a drink?" Sambit niya.

Ngumiti lang ako.

"You already have a drink, miss."

Kinindatan ko siya at umalis ako duon. For sure, namumula na ang mukha niya ngayon. Ang ayoko sa lahat 'yong mayabang at masyadong bilib sa sarili. Oo maganda siya pero hindi ganon kagandahan para pag pantasyahan ng lahat ng lalaki.

"Woah, grabe 'yon bro."

Nag slow clap silang dalawa at halatang manghang-mangha sila sakin.

Sa totoo lang, si Byron talaga ang pinakamagaling sa amin pagdating sa babae, hindi ko lang alam kung bakit natatameme na siya ngayon.

Angel Beatrix. This is all her fault.

Mas lalo lang akong nainis sakanya. Maliban sa kaibigan siya ni Kiro, masyado siyang maangas. I don't care about her but she already messed with us.

Driving home, nakaisip ako ng plano para makaganti sakanya.

Bukas sa school, humanda siya sakin.

Wait and see, Angel Beatrix.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now