2.

8.5K 146 9
                                    


Dennise's

Si Alyssa ay bestfriend ko mula childhood.Sya ang taong lahat ng sekreto ko ay alam nya,Sya ang taong naging karamay ko sa lahat ng bagay.Ngayon..Si Alyssa din ang parehong taong nakatayo sa harap ko at sinabi ang salitang "I am Gay".Hindi naman sakin Issue kung gay o straight ang isang tao.Nagulat lang ako,Hindi ko naman kasi nahalata nung una na lumiliko na pala ng landas ang Bestfriend ko.Nakatitig lang ako kay Alyssa habang ito naman,Nakatingin sa mga daliri nito na parang kinakabahan.Ilang minuto munang hindi ako nakapag-salita kasi iniisa-isa ko pa ang bawat word na sinabi nito.So gay si Alyssa..Ano naman ngayon?Ano naman ngayon?!.

Puro hampas ng hangin sa dahon ang maririnig mo sa ilang minutong pananahimik namin.Open-minded naman akong tao.Pero ano nga ba ang dapat kong maging reaksyon?Pero alam kong tanggap ko kung ano man sya.Bestfriend nya ako,At ako dapat ang unang umintindi sa kanya.

"Tanggap kita"Sabi ko at tinignan ako nito agad.Kita kong para itong maiiyak na.Kaya hinawakan ko ang kamay nito.Humawak din ito sa kamay ko.Siguro,natakot sya na baka maging iba ang reaksyon ko.

"Really?"Parang nakahinga ng maluwag si Alyssa .

Pero kahit ganun..Nag-iisip pa din ako.Pero yung..kanina.

"Bakit mo'ko hinalikan?"Halos mamula ang boung mukha ko ng makitang namula din si Alyssa.Kita kong umiwas ito ng tingin.

"Alyssa.."Sabi ko at tinignan ito ng masama.

"I'm Sorry,Pero Sa side lang naman ng lips mo yun at hindi naman talaga sa mismong labi mo kita hinalikan"Sagot naman nito.Nag-rason pa talaga sya.

Pinaningkitan ko ito ng mga mata.Naguguluhan na tinignan ko ito saka nagsalita.

"Hindi mo dapat ako hinalikan,First kiss ko yun Alyssa,Kahit pa sa side ng lips ko yun!"

"Dahil yun naman talaga ang gusto ko!I want to be your first and to be your last!"Nakakunot-noong sabi nito saka magulong hinawakan ang necktie nito.

Natulala ako.Did she..just Confess something..?. para akong naghahanap ng puzzle para mabou ang nasa isip ko.

"You're Gay?"Parang tangang ulit ko.

"Yes"Walang alinlangan na sagot nito.

"What the hell!Ang pangit ng pag-amin ko!"Rinig kong bubulong-bulong nito.

"Alyssa..Did you like me?I mean,Not As being your Bestfriend..But more than that..Did you like me Ly?"Halos ayaw yun lumabas sa labi ko dahil parang sa loob ng maraming taon,Ibang Alyssa ang nasa harap ko.Parang hindi sya yung bestfriend ko at naging ibang tao.Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang sunod na sasabihin ni Alyssa.

"No.."Sagot nito.

Naramdaman ko ang relief at nakaramdam din ako ng ibang feeling sa puso ko.Hindi dapat.Bestfriend ko si Alyssa at higit sa lahat babae si Alyssa.Lumaki ako sa isang Pamilya na iba ang paniniwala sa third sex.

"I Love You Dennise..Hindi bilang kaibigan..I love you more than that."Mahinang sabi nito Pero malinaw na narinig ko.

Sobrang linaw na parang mabibingi ako.

Hindi ako nakapagsalita.Nakatitig ako sa kanya.Lumakas ang tibok ng puso ko.Ang taong halos boung buhay ko kasama ko ay nagsabing Mahal ka nya..At isa pa,Babae si Alyssa.Babae ang nagtapat sakin.Ang babaeng halos kasama ko mula pagkabata hanggang ngayon.

Wala akong pakialam kung gay si Alyssa,Ang iniisip ko lang,Ilang taon kaming nagkasama tapos ganito pala?Na yung taong nakakasama ko ay mahal ka pala?

"Pero bestfriend kita.."Nasabi ko lang.

Mas Complicated pala pag nagtapat sayo ang Bestfriend mo lalo't hindi ka naging handa kesa sa pagmemorize ng Atomic symbol sa periodic table of elements.

Her First and Last(AlyDen)Where stories live. Discover now