Koneksyon? Pareho ba kami ng iniisip ng mga 'to tungkol kay mom at sa lalaki? Pero paano?

*poink!*

Sinapok ni Michael yung likod ng ulo ni James. "Kumain ka na lang! Daldal mo!"

Nagpout lang si James at kumain ulit.

"Let's finish our breakfast first. Bago mawala yung appetite natin."

Pagkasabi ni Alex nun ay kumain kami ng tahimik. Walang ni-isa saming nagsalita bukod kay Jill at James na nagtatawanan. Kung minsan minamasdan ko sila michael. Honestly, clueless ako. Pero sa tingin ko, alam ko na ang magiging takbo ng usapan namin mamaya.

--

Nakaupo kami dito sa may garden. Kami lang ang nandito, si Jill nagpunta sa kung saan kasama daw ang bestfriend niya. Yung bata na yun, parang blooming. May pinapagandahan siguro.

Binasag ni Alex ang katahimikan. 

"Simulan na natin 'to. May appointment ako mamaya."

Nagtinginan muna kami ni Michael. "Ako na muna, brad." Sabi niya.

"Okay. Spill it." Uminom ako ng juice at sumandal sa kinauupuan ko.

"I already found the man." Seryoso lang siyang nakatitig sa akin.

"I know. Where is he?" Dapat akong kumalma. Hindi ako dapat magpadala sa emosyon ko.

"Hindi na importante kung nasan siya, pero may sinabi siya samin." Si Luke na ang sumagot sa tanong ko.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon