Cesia's POV
Pinatawag kami ni Doc sa opisina nito kaya andito ako ngayon kasama sina Ria, Chase at Dio. Komportableng nakasandal si Chase sa couch habang nakade-kwatro ang mga paa. Sa tabi naman niya ay si Dio na kasalungat naman ang asta dahil nakayuko ito nang nakatukod ang mga siko sa magkabilang tuhod. Nakatapat sa kanyang bibig ang magkadaop niyang palad at halatang malalim ang kanyang iniisip ayon napakaseryoso niyang ekspresyon.
"Gods." Narinig kong bulong ni Ria na nasa tabi ko.
Umayos kaming lahat sa pagkakaupo pagkarating ni Doc Liv. Dumiretso ang doktor sa likod ng desk niya at nang maupo sa likod nito, naglapag siya ng makapal na folder.
"Aconite," panimula ni Doc. "Aconite is a poison that comes from a plant, used to hunt wolves in ancient times." Umusog siya papalapit sa mesa at binuksan 'yong folder. "It's also known as the Spittle of Kerberos. Heracles was sent to fetch Kerberos forth from the underworld as one of his twelve labors. The spittle of the beast dripped upon the earth, and from it sprang the first aconite plant."
"We could've known about it sooner..." dagdag pa niya.
"Then why didn't you?" tanong ni Ria.
"Because it wasn't just aconite that was used to poison Kara." Inayos ni Doc ang kanyang salamin habang binabasa ang laman ng folder. "It was mixed with ichor." Inangat niya ang kanyang tingin sa'min. "The golden blood of deities."
"Whoever made the poison meant to hurt a demigod," sabi niya.
"Who the hell would have a gods' blood just lying around the corner?" ani Dio.
"I don't know, either," sagot ni Doc. "The poison was mixed in the cake's icing."
"Pero teka lang, Doc, natamaan din naman ako ng cake na natapon kay Kara, ba't siya lang 'yong nalason?" tanong ni Chase.
"Well, whoever made the poison meant to hurt Kara, and Kara only," saad ni Doc.
Nag-abot ang magkabilang kilay ni Dio. "What do you mean?"
"The ichor we found mixed with the aconite wasn't just any deity's blood." Maingat na sinarado ni Doc ang folder sa kanyang harapan. "It was Athena's."
"Okay, now," ani Ria. "Who the hell would have Athena's blood just lying around the corner?"
Blangkong tinignan ni Doc si Ria bilang sagot.
"Ano na po 'yong kalagayan ni Kara ngayon?" tanong ko kay Doc. "Magiging okay lang ba siya?"
Huminga ng maluwag si Doc at malumanay na napangiti, na para bang ito ang katanungang gusto niyang marinig mula sa'min.
"She's one of the strongest fighters I know, so she should be," anunsyo niya. "We are doing our best, and stats show that she's also doing her best to recover. Her blood is starting to overpower the poison and we're helping her drain it completely from her system."
Pagkatapos no'n, narinig ko ang magkasabay na pagbitaw ng malalalim na buntonghininga ng aking mga kasama.
Kasunod akong nakarinig ng boses mula sa likod.
"What about the other one?"
Napalingon ako kay Trev na kararating lang ng opisina kasama si Cal. Sinundan ko sila ng tingin nang maglakad sila at huminto sa kabilang dulo ng upuan.
YOU ARE READING
The Last Elysian Oracle (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are constantly up on their sleeves, giving them missions, perhaps proving the Alphas' loyalty to their deiti...
