"Is that so? If only I could visit you there. Iyon nga lang ay bago rin iyong tinatayo kong restaurant kaya maraming dapat na asikasuhin. I can't leave the country even if I want to." bumuntong hininga ito.

Nang maubos ko na ang aking kape ay saglit akong lumingon sa dagat. The air is strong yet kinda hot. Ang halamang disenyo sa gitna ng aming table ay sumasayaw sa ihip ng hangin. Ipinusod ko ang aking buhok at sumandal sa upuan.

Matapos ng ilang minutong pananahimik ay saglit kong pinutol ang kanilang usapan para makapag-paalam. "I'll just take a bath. Dito na rin ako maghahapunan kasama ng ibang staffs. Are you going now?" tanong ko kay Herritt habang tinatanggal ang posibleng dumi sa gilid ng aking labi.

"Yes, I'll be back maybe before dinner. Are you staying here o sa hotel?" tumingin ako kay Maxine para kunin ang sagot nya kung sakali. Blangko lang ang mukha nito.

"Ah, sa hotel nalang. Tsaka susunod kami sayo sa photoshoot. We'll just have our lunch here first bago kami tutulak." saad ko kay Herritt bago binalingan si Max. "Dito ka muna." tumango lang ito bago ako tumayo sa aking silya.

I went to my own room at doon ako nagbabad sa aking bathtub. I reminisce his face. His voice. Lahat ng malinaw sa nangyari kagabi ay pilit kong ibinabalik ngayon.

Not that I want to hurt myself more. Gusto ko lang talagang maalala sya. Masama ba iyon? Kahit may iba na syang mahal? Hindi ko naman ipapaalam, eh. Is it bad to still like someone who's already committed?

Wala naman sigurong mali roon diba? It's not that I'm planning on getting him back. Hindi naman ako mang-aagaw o ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya. It's just a silent love. Wala dapat makaalam bukod sa akin.

...At kay Maxine dahil nawala ako sa aking sarili at wala sa lugar na naamin ang nararamdaman ko.

Tumayo na ako sa aking bathtub bago ko pa man maiuntog ang sarili dahil sa mga pinag-iisip. Simpleng malaking crop top na puti lang ang isinuot ko at fitted na pencil cut na abot sa aking tuhod ang haba. May slit iyon sa kanan na halos kalahati ng sukat ng palda ang gupit.

Pagkalabas ko sa aking kwarto ay agad kong hinanap si Maxine. Natagpuan ko sya sa isang counter na umiinom ng juice at may kung ano na namang kinakain.

Tumabi ako ng upo at humingi ng maiinom. "Uuwi na kami ni Herritt bukas ng umaga." saad ko kay Maxine. Inikot nya ang upuan at diretsong tinanaw ang dagat.

"Is that so? Napa-aga ata? Is it because of Kei?" seryoso nitong bukas sa taong iyon.

"Max, huwag na nating pag-usapan iyon. I live eight years without him. Four years knowing he's in a relationship with Eclaire and you think I can't do another eight years to forget about him?"

Mahirap may ay makakaya ko naman siguro iyon. May darating para sa akin at hindi iyon si Kei. I should just wait. Marahil ang taong iyon ang magiging dahilan ng muling pagkabuhay ng puso ko.

"Ipangako mo sa aking kakalimutan mo na sya." wala sa sariling tumango ako. Hindi ako nangangako pero gagawin ko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging masaya nalang para sa kanila.

Hapon nang sabay kaming mag-lunch ni Maxine kausap ang ilang mga kakilala. Pansamantala kong nakalimutan ang problema nang dahil sa iilang maliliit na tawanan.

Pagkatapos noon ay tumulak na kami ni Max papunta sa sinasabing photoshoot ni Herritt. Tirik ang araw nang lumabas ako ng sasakyan. Sa isang matayog na abong building kami pumasok. The red marble was shinning. Maririnig ang tunog ng aking takong habang inilalakad ang paa ko roon.

Ibinaba ko ang aking shades at ibinigay iyon sa body guard na nakasunod sa aming likod. "What floor?" tanong ko. May gumabay sa amin para makarating sa floor na pinagdadausan ng photoshoot.

Killing Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now