Habang seryoso kong pinagmamasdan ang mga modelo ay paulit ulit ko ring pinapa-alalahanan ang aking sarili na umakto ng normal.

That I shouldn't let them see what I've been feeling right now. Panigurado akong kahit si Maxine ay pagtatawanan ako kapag nalamang malaki pa rin ang epekto ni Kei sa akin.

I was taken aback when she said he's now engaged with Eclaire. Ilang beses kong sinabi sa aking sarili na okay lang, I've already moved on.

Pero ngayong nakita ko kung paano sila magkadikit ay parang sinasaksak ang puso ko.

"Are you listening to me?" pukaw sa akin ng isang boses. Saglit akong natuliro at tinignan ang aking harap.

"Sorry, I'm lost." I said, halos pabulong dahil sa kahihiyan.

"Obviously. The next batch is out."

Binalot ng panibagong tugtog ang buong lugar. Kung kanina ay kulay ginto ang mga damit na suot ng mga modelo, ngayon ay halos itim na ang mga iyon.

Their make up become intense. Ilang ilaw rin ang naiba ng ayos at ngayon ay mas maraming guest ang kumukuha ng litrato sa mga damit.

I composed myself. Matiim na pinanood ang mga modelo. Sa di kalayuan ay nasilayan ko ang pwesto nilang dalawa. Second row, hindi kalayuan sa aking harap.

Eclaire's busy taking those photos. Kei's hand is on her knees animo'y pinoprotektahan ito sa kung saan. Na parang ipinapakita na pag-aari nya ang katabing babae at walang sinuman ang pangahas na magtangkang umagaw rito.

Jealousy covered my insides. May kakaibang emosyon ang pilit nagpapabagal sa aking hininga habang pinapanood sila.

It's the dim light that's causing them to be somewhat blurry in my sight.

Kei's just watching the models bago ito lumingon sa hindi nakatinging si Eclaire. He then stared at her for a minute bago nito muling ibinalik ang tingin sa harap.

Mas lalong bumigat ang paghinga ko. It's not the light that's causing them to be all blurry. It's my tears trying to escape from my eyes.

You used to look at me like that. We used to be like that. You were sitting next to me while I look at the things around us.

Kapag nahuhuli kitang nakatingin sa akin ay sinasabihan kitang tumigil. Ngayon ay hindi ko aakalaing mami-miss ko iyon at hindi na makakamtan pang muli.

It's just painful how I'm able to reach my dreams yet I still can't be fully happy.

Masyado na nga ba akong selfish kung pati sya ay papangarapin ko na rin ngayon?

Napangiti ako ng mapait. I'm now on the side of a fruitless love. Ganito pala ang pakiramdam.

Mabilis kong pinalis ang nagbabadyang luha sa aking mata. Napansin ata iyon ni Herritt at mabilis akong binalingan.

"Are you alright?" nag-aalala nitong tanong.

"Yes. Masakit lang sa mata iyong tumamang ilaw sakin." pagdadahilan ko. He lend me his handkerchief. Tinanggap ko naman iyon dahil wala naman akong dala.

Ipinamunas ko iyon sa gilid ng aking mata at hinayaang dumaloy roon sa panyo ang mga butil ng luha.

Nang luminaw ang aking paningin ay agad nagtama ang mga mata namin. He raised his brow. Medyo nagulat pa ako ngunit pinagkunutan ko nalang ito ng  noo sa huli.

What is he looking at?!

Natapos ang fashion show na lutang ang isip ko. I feel so tired kahit wala naman akong gaanong ginagawa. I was just sitting there, resisting myself not look at them. Hirap na hirap ako. Gusto kong tabunan silang dalawa upang hindi ko makita ngunit hindi naman iyon pwede.

Killing Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now