Jusko! Ito na ba yung matagal ko ng hinihintay? Yung mangyari din sa buhay ko yung mga nababasa ko sa romance novel na luluhod si boy tapos magpo-propose. Pero siyempre yung amin, tatanungin niya lang ako kung pwede na niya kong maging girlfriend. YES NA YES agad no!

"Sabi ko na nga ba bagay sayo tong anklet." Bakit anklet? Hindi ba singsing? "Let's go." Aya niya.

"Anong let's go?"

"Punta tayo dun sa dulo." Turo niya dun sa mailaw na parte ng beach. Jusko! Akala ko naman aayain na niya kong maging girlfriend.

"Hmp! Nakakainis ka! Bahala ka nga diyan!" Bulyaw ko sa kanya tsaka nauna ng maglakad.

"Ang bipolar mo."

"Ako pa talaga ngayon? Sana alam mo kung bakit ako nagkakaganito!" I yelled.

"Girls are moody whenever they have their menstrual period. So let me ask you, hindi ka ba nawawalan?"

Lalong uminit yung ulo ko. "KUNG GUSTO MO DUN KA NA LANG SA IBANG BABAE!"

"Ang takaw mo din." Aapila pa lang sana ko ng magsalita siya ulit. "You always get my viand and order another rice. Some girls I know are always on a diet but you? Hindi ka na nahiya kung mas malakas ka pang kumain sakin."

Ayoko na siyang patulan pa kayaas binilisan ko na lang ang paglalakad. Bahala siya sa buhay niya! Gusto niya kong ligawan tapos ganyan siya? Ugh!

"Pakialamera ka din."

"HOY HOMME SUMOSOBRA KA NA A! NAKAKASAKIT NA!"

"You always want to meddle with everything I do. Gusto mo kasama ka. Gusto mo alam mo. Gusto mo lahat ng gusto mo, masusunod."

"KAIRUG-IRUGAN KA HOMME! HINDI MO BA ALAM YUNG SALITANG 'STOP'? YOU'RE BEING INSENSITIVE!"

"At higit sa lahat, madaldal ka." Aba't! Talaga nga naman. Problema nito? "You're so loud. Hindi ka babae kung magsalita. You always say words that are out of the world. Masyado tayong magkaiba. I'm just a one-word man, but you? You're a thousand-word woman."

"EDI HUMANAP KA NG KA-LEVEL MO! YUNG BABAENG MAGANDA, SEXY, MABAIT-"

"I already found her." He said.

"EDI GOOD FOR YOU! Siguro she's not loud like me. Yung mahinhin kumilos. Tapos yung puro dahon lang ang kinakain. Ako kase bitukang-lalaki ang meron ako kaya paniguradong hindi tayo bagay. Tapos dun ka na din sa walang pakialam sayo. Aba! Ikaw na ngang inaalala, ayaw pa? BAHALA KA NA SA BUHAY PREMIER HOMME DAWSON!"

Iniwan ko na siyang mag-isa doon at nagtatakbo papunta sa sinasabi niyang mailaw na parte ng beach. And I found paradise. May napakalaki, napakaganda, at napakailaw na tree house dito. Wala sa loob kong inakyat yun at mas nagulat ako sa naabutan ko sa loob. Maraming balloon ang nakakalat sa sahig at maraming pictures ang naka-hang. Puro stolen pictures naming dalawa. Merong nag-aaway kami, sinusubuan ko siya ng marshmallow, kinikiliti, at kung anu-ano po. Tears started fall down my cheeks.

"Magkaibang-magkaiba tayo. Maingay ka, tahimik ako. Matakaw ka, ako hindi. Moody ka, ako hin-"

"HOY SUBUKAN MONG HUMINDI! NAPAKASUNGIT MO KAYANG NILALANG KA!"

"Aish. Will you let me finish first?" Bossy talaga. "Let me remove that. Pero may dalawang bagay lang ang parehas tayo. Maganda ka, gwapo ako. At higit sa lahat, mahal kita, at mas mahal mo ko."

"HDGKSK-"Tinakpan niya yung bibig ko gamit ang daliri niya.

"One thing I've learned is that, opposite do really attract itself. You know why?"

"Why?" Kinakabahang tanong ko.

"Because this heart.." Turo niya sa dibdib niya. "Belongs to you." Hinalikan niya ang dalawang kamay ko bago idinikit sa dibdid niya. "Mahal kita Ces. Please be my girlfriend."

Hindi ako makaimik. Totoo ba tong nangyayare?

"Nosebleed naman ako sa pagtatagalog mo Homme." Pagbibiro ko dahil hindi ko alam ang dapat at tamang sabihin.

"Nice answer Ces." Medyo inis na sabi niya. "Dun na nga lang ako sa sexy at magandang-"

"Subukan mo ng makapatay ako." Seryosong sabi ko.

"Don't be like me Ces."

"What if I want to be like mommy Keisha? I want to help and support my partner."

"But I don't want to put you in danger." He said.

"Hindi mo naman ako papabayaan diba?" I asked.

"Of course. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sayo habang nasa tabi mo ako."

I smiled. I'm overwhelmed with all the things I heard from him. Until now, I still can't believe that this is really happening. I hold his cheeks, making myself believe that this is not a dream. "Oo ang sagot ko sa tanong mo Homme." Shocked was written all over his face. "I love you too Homme and from now on, I'm officially your girlfriend."

Inilapit ko ng bahagya ang mukha ko sa kanya because I want to kiss him but he slightly pushed me away. "Sorry. Strict ang parents ko e." He grinned but he gave me a peck on my cheek.

****

Oha! Kanino kaya nagmana ng pagiging corny tong si Homme? Mehehe. Kainggit ang may mga lovelife diyan. 🙈 Okay. 1000 votes and 1000 comments for my next update. HAHAHAHAHA. Mwamwa! Love you all. ❤💋

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon