Chapter 29

64.4K 1.8K 145
                                    

Keisha's POV

"Wifey kanina ka pa hindi mapakali. Anything wrong?" He held my hand.

"I'm just worried." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "What if malaman na to ni Lucas? Baka mapahamak ang mga bata." Nag-aalala kong sabi.

"Do you really think na hahayaan kong mangyare yun? You know I can definitely risk my life for all of you."

"Alam ko naman yun hubby kaya lang kailangan pa bang umabot sa ganun? Kailangan din bang mamatay ni Lucas?"

"Seems my wifey is now having a change of heart huh?" Sinamaan niya ko ng tingin.

"What? Napalapit na kase siya sakin and-"

"And he's a better BOYFRIEND now?"

Isinandal ko ang ulo ko sa kanya. "Hindi naman ganun yun hubby. What if may chance pa siya para magbago?" Tinitigan ko siya pero hindi na siya kumibo. "Uy hubby.." Kinurot-kurot ko yung braso niya pero di ako pinapansin. "Hubby naman e! Wag ka ng magtampo diyan." Niyakap ko siya.

"Wag kang malikot. Baka mabangga tayo." Shems. Tampo o galit?

"Hubby naman e! Kay Lucas ka talaga magseselos? Seryoso ba? Eh hamak gwapo mo naman dun. Tapos siyempre mas mabait, mas mapagmahal, at mas maalaga ka kaysa sa kanya. At siyempre lamang na lamang ka dun dahil ikaw ang mahal ko. Ikaw ang tatay ng mga anak ko. Oh diba? San ka pa!" I saw him smiled pero agad niyang naitago. "Hey nakita ko yun! Napangiti ka na kaya! Pakipot pa e." Hinawakan ko siya sa abs. "At higit na higit na higit sa lahat, wala siyang ng kagaya nitong abs mo-WAAAAAAAH! Bakit bigla-bigla ka na lang pumepreno diyan! Baka mabangga tayo!"

"Ako may abs pero siya wala. Hmm. May dapat ba kong malaman Mrs. Dawson?" Tuluyan na niyang inihinto ang sasakyan tsaka humarap sakin.

"Hoy wala akong tinatago sayo ha. Para namang hindi mo nilagyan ng cctv cameras ang buong bahay. Tanging comfort rooms na nga lang namin ang walang nakabantay na camera-"

"Except yours." Ngumiti siya ng nakakaloko.

Nanlaki ang mga mata ko. "What do you mean na except mine? Ibig sabihin you can watch me from there?"

"I love watching MY property wifey."

"Ugh! Zachary Dawson nag-iisa ka lang talaga! Kainis!" Grabe! Oh baka sabihin niyong masyado kong maarte ha. May apat na anak na kami pero nakakahiya pa din!

"What's wrong with that? Sa videos na nga lang kita nakikita, magagalit ka pa. I just miss you so damn much wifey." Inilapit niya ang mukha niya sakin. "Wag ka ng magalit diyan. Diba nga ikaw ang may kasalanan sating dalawa?"

"Wala nga sabi-" Pinatigil niya ang pagsasalita ko gamit ang labi niya. I respond to his kisses. "I love you Zach." Hinawi ko ang buhok niya.

"Mas mahal kita Keisha. Always remember that." He said before giving me a smack. "Let's go." Bumusina siya. Huminto din kase yung van na sinasakyan ng mga bata.

Magkahawak kamay kaming dalawa habang bumibiyahe.

"Uy hubby lumiko sila!" Pilit kong hinahabol ng tingin yung van pero dire-diretso lang sa pagpapatakbo si Zach. "Zach baka maligaw yung mga yun-"

"Do you trust me wifey?"

"What? Oo naman no pero-"

"Then kumapit ka." Sabi niya tsaka biglang pinaharurot ang sasakyan.

"WAAAAAAH! Dahan-dahan lang Zach! Baka mapano tayo paano na lang ang mga anak natin. Paano tayo maghihiganti kila Lucas. Tsaka saan ba talaga tayo pupunta-"

"We'll have a date my wife."

Date? Gusto ko yan!

***
Just got my phone back! Sorry sa matagal niyong paghihintay loves. I've been editing book 1 na din kase kaya medyo naging busy ako. Sorry again!

Babawi ako sa inyo. Date ng mag-asawa ang next chapter. Mwamwa! :*

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon