Chapter 13

61.8K 1.7K 145
                                    

Ces' POV

"Who are they? Why are you hiding from them?" Seryosong tanong ng gwapo. Este ni Homme.

"Hoy ikaw ha. Chixmax yan!" Pagbibiro ko.

"What? Anong c-chix.. what is it again?"

Inirapan ko siya. "What is it again? Duh! Hoy nasa Pilipinas tayo. Filipino ang national langauage natin kuya kaya please lang mag-tagalog ka naman. Sakit mo na sa ilong e. Chixmas lang di mo alam? Saang planeta ka ba galing? Chismis yun! Kwento-kwento eklavu na nagpasa-pasa na sa ibang tao. Ganern!" Di na maipinta ang mukha niya. As in yung kulang na lang eh mag-abot na yung kunot ng noo niya tsaka labi. "HAHAHAHA. Ang panget mo tsong!"

"I'm asking you a serious question woman. Answer it."

"Ay di pa din tayo tapos dun? Move on na no. Uso yun!"

"One." Enebe. Grabe naman. Isang bilang pa lang niya parang gusto ko ng tumakbo patago sa saya ng nanay ko. Katakot si kuya!

"Two?" Nakangiting tanong ko. Oo. Tama yan. Wag mong ipahalata na takot ka na.

"One last chance to answer my question. Who. The. Fvck. Are. They." Napalunok ako ng sunod-sunod. Tiklop ata katapangan ko dito a.

"Diba siya yung ano.. yung ano bagong teacher. Oo tama! Yung bagong teacher edi ba nakakatakot- WAAAAAAAAAAAAAAAAH! Jusko! Kairug-irugan ka! Dahan-dahan lang please! Ayoko pang mamatay! Waaaaaaah! Please po Homme. Magsasabi na ko. Huhuhu." Kapit na kapit na ko sa upuan ng kotse niya pero di pa din niya binabagalan ang pagpapatakbo ng kotse niya. "Ay grabe siya o! Yung mga lalaki kanina pinagtataguan ko sila! Naalala mo nung nagkabanggaan tayo sa isang restaurant andun sila nun kaya nagtatago ako sa kanila nun dahil mahal ko pa ang buhay ko-Waaaaaaaah!" Muntik na kong masubsob sa dash board but salamat sa seatbelt na hindi niya nakalimutang isuot sakin kanina kahit nagmamadali. "ANO BA NAMAN! Nagtago nga ako sa kanila pero mukhang ikaw naman ang papatay sakin!"

Tinignan niya lang ako ng masama tsaka ulit pinatakbo ang sasakyan. Para naman akong napako sa inuupuan ko. "B-bakit tayo nandito?" May bahid ng takot sa boses ko. "Ayoko dito! Ayoko dito!"

Pinarada niya sa gilid ng restaurant yung sasakyan. Pero hindi pa din talaga ko komportable sa lugar. "Shhhh.. You're safe with me.." He held my hand.

I looked at him. "Ayoko dito Premier. Ayoko talaga." Naiiyak na sabi ko.

"Why? What's wrong with this place?"

"B-baka ano.. baka magkaroon na naman ng patayan sa lugar na to.. ayoko ng makakita ng ganun.." Bigla na namang nag-flashback sakin ang mga nangyari. "Nagpart-time job ako dati sa restaurant na yan. Okay naman sa ang lahat. Maayos ang trabaho ko. Malaki sila magpasahod. May food and house allowance pa nga sila e. Pero kinailangan kong umalis. I witnessed a crime. Nakita ko kung paano niya pinagbabaril yung ka-meeting niyang lalaki. I don't know how to react. Gusto kong saklolohan yung lalaki pero natatakot ako para sa buhay ko. Kaya tumakbo na lang ako paalis... pero may nakakita sakin.. Hinabol nila ko... akala ko natakasan ko na sila pero... pero pagdating ko ng bahay.." Hindi ko napigilan ang humagulgol.

Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Premier. "I'm here Ces. I'm here.."

"Pagdating ko ng bahay wala na ang nanay ko.. wala na ang nanay ko.. pinatay siya Premier. Pinatay siya.."

"They killed your mom." Galit na sabi niya.

"Nanghingi ako ng tulong sa mga pulis nun pero kasabwat pala sila nun. Nagpakalayo-layo ako. Napunta ko sa isang bahay ampunan pero nasundan nila ko. Nagpalipat-lipat ako ng tirahan hanggang sa mapadpad ako dito. Akala ko okay na ang lahat pero makakasalubong ko pa rin pala sila dito.."

Nanatili kaming tahimik na dalawa. Tanging mahigpit na yakap lang niya ang nagpagaan sa loob ko.

"Fvcking sht. Fvck. Fvck!" Katakot naman to. Bigla na lang humahampas sa manibela tapos nagmumura.

"Hoy. Fvck-fvck ka diyan. Diba yun yun tagalog ng wings?" Isang napakasama at nakamamatay na tingin ang natanggap ko mula sa kanya. "Ay grabe siya o. Nakakatawa naman yung joke ko a. Hmp. Tara na nga kase. Alis na tayo dito." Aya ko. Wala naman kase kaming ginagawa dito.

"I knew it. Masamang tao siya."

"Ano ba yang sinasabi mo? Tsaka sinong masama?" Naguguluhang tanong ko.

"Nakikita mo yun?" Tinuro niya yung dulong part ng coffee shop.

"Hala! Bakit nandiyan sila? Sinundan mo ba sila? Teka nga baka mamaya ibenta mo ko sa kanila ha! Hoy pinagkatiwala ko buhay-" Tinakpan niya ang bibig ko ng kamay niya as he leaned closer to me. Fudge! Grabe ang bango niya!!!

"Pwede bang manahimik ka muna?" Tumango ako. "The group that hunts you is with that fvcking Lucas right now." Tiningnan ko lang siya. Asking for more details. "Dinidikitan ng Lucas na yan ang pamilya ko. I know he's up to something at kailangan kong malaman yun."

"Teka nga lang! Bakit ba parang ang dami mong alam na kaganapan sa kanila? Yung asta mo pa parang ang tapang-tapang mo. Yung para bang wala kang kinakatakutan. Sino nga ba talaga?" Di ko napigilang tanungin.

"Premier Homme Dawson." Inilahad niya ang kamay niya. "Ang nagi-isang anak na lalaki ng Mafia boss."

***

First time mag-POV ni Ces. How was it? And ano ang connection nung lalaking nakita ni Ces dati kay Lucas? Paano kaya nila matutulungan ang isa't-isa?

Hi guys! Kamusta? Bakasyon niyo na ba? :) Kwentuhan tayo! PM niyo lang ako. :)

PS: POV ni Angelique ang next.

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Where stories live. Discover now