Chapter 14

62.5K 1.6K 115
                                    

Angelique's POV

"Love naniniwala ka ba sa forever?" I asked him.

He smiled. "Everytime I see you.. I want to believe that forever do exist."

"Ay sus! Yan tayo e. Diyan sa mga banatan mo na yan ako nahuhulog e." Kinikilig na sabi ko sa kanya.

Niyakap niya ko. "Napakadali mo talagang paniwalain love." He grinned.

Inalis ko ang mga braso niyang nakapulupot sakin. "Alam mo ikaw nakakainis ka! Palagi ka na lang ganyan. Magpapakilig sa umpisa tapos mang-aasar." Tumayo ako at iniwan siya.

Panira talaga yun ng moment. Andun na e. Feel na feel ko na yung pagkakilig tapos ugh!

At ang loko, hindi man lang nag-abalang sundan ako. Badtrip! Bahala na nga siya sa buhay niya. Uuwi na lang ako.

Naglakad na ko palabas ng park. Maghihintay na lang ako ng taxi dito since wala naman akong dalang car dahil nga sinundo ako ni Josh.

"Hi Miss!" Nagulat ako ng biglang may tumabi sakin. Si Josh!

Nagkunwari akong hindi siya napansin. "Ang sungit mo naman po. Para kang yung girlfriend ko." Girlfriend your face, hmp!

"Alam mo bang magkasing-ganda kayo? Ay hindi mukhang mas maganda ka pa ata sa kanya."

"Edi magsama kayo ng girlfriend mo! Siguro kaya ang cold mo na sakin kase may iba ka na!" Inis na sabi ko tsaka
naglakad palayo sa kanya.

"Pero alam mo bang kahit na masungit yun, mahal na mahal ko yun?" Nakasunod siya sakin habang naglalakad.

I faced him. "Pwede bang tigilan mo na ko? Baka mamaya makita pa ng girlfriend mo na lumalapit ka sakin, awayin pa ko."

"Ay oo nga. Sorry ha? Magaling pa naman bumaril yun. Lakas din manipa at manuntok." Tumatawang sabi niya.

"So you're the battered boyfriend here? Ganun ba?"

"Grabe kamukhang-kamukha mo talaga yung gilrfriend." Ngumisi siya. "Parehas na umuusok yung ilong niyo kapag nagagalit."

Ipinagpatuloy ko na lang yung paglalakad ko. Nakakairita talaga siya. Ano bang trip niya ngayon? Bakit hindi na lang niya ko suyuin kagaya ng palagi niyang ginagawa?

"Alam mo bang nagtatampo siya sakin? Inasar ko na naman kase. Sayang tuloy yung date namin, naputol. Pwede bang ikaw na lang ang i-date ko?"

Humarap ako sa kanya. "Talaga bang-"

"Happy Monthsary my Love. I love you so much." Inabutan niya ko ng lollipop. "Sorry na love."

Hinampas ko siya. "Nakakainis ka! Bakit palagi ka na lang ganyan? Aasarin mo ko tas magpapaka-sweet ka bigla." Tinanggap ko na yung lollipop. "Talagang chocolate lollipop to ha? Ano to suhol?"

"Maka-suhol ka naman diyan. Alam ko namang practical ka love e. Imbis na flowers, or whatsoever, mas gusto mo ang pagkain."

"Oo na! Kaya ang baboy ko na diba?" Nakasimangot na sabi ko.

"Kahit na ikaw pa ang maging pinakamatabang baboy sa lahat ng baboy, ikaw pa rin ang pinakamaganda.. at tanging babaeng naglalaman nito." Itinuro niya yung dibdib niya. Namuo naman ang luha sa mga mata ko. "Kahit gaano pa karaming pang-aasar ang marinig mo sakin, apat na salita lang sana ang paniwalaan mo palagi mula sakin, MAHAL NA MAHAL KITA."

Niyakap ko siya. "Mahal na mahal kita Josh. Mahal na mahal.. Happy Monthsary Love.."

***

Nakaka-bitter tong dalawang to e. Ke bata-bata puro pag-ibig. Haha. Sana makahanap din ako ng Josh. Pero Zach pa din talaga e. :)

Btw, malapit na pong lumabas si Zach at Keisha. Reunion o patayan?

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon