Chapter 38

56.3K 1.4K 77
                                    


Jessy's POV

"Oh bakit busangot ang mga mukha niyo?" Takang-tanong ko kay Sachel at Amour ng maabutan ko sila sa sala na nakasimangot.

"Si mommy at daddy po kase nag-away." Malungkot na sagot ni Amour.

"Bakit? Si Lucas na naman no." Sabay silang tumango.

Hay Lucas, kung wala lang silang plano, ako na mismo ang tumapos sayo.

"Tita do you think magkakabati din sila?"

"Of course baby Sachel. Halika nga dito." Niyakap ko siya. "Huwag kang mag-alala, matatag ang mga magulang niyo. Wala pa yang katiting na problemang hinaharap nila ngayon sa mga pagsubok na nalampasan nila. Tsaka andito tayong pamilya nila para matulungan silang magka-ayos." Hinalikan ko silang parehas. "Asan kuya niyo?"

"Date po." Sabay nilang sagot.

"Eh ate niyo?"

"Nasa date din po."

"Ay jusko puro pag-ibig. Tsk. Kaya pala ng magising ako kanina, wala na si Josh. Pumapag-ibig na naman pala. Eh sinong kasama niyo dito?" Tanong ko.

"Si tito Val po. Tita pwede niyo po ba kaming lutuan ng pagkain? Si Sachel po kase inubos lahat ng food na pinrepare ni mommy e." Reklamo ni Amour.

"Of course dear! Pancake and omelette gusto niyo?"

"Opi tita!" Masayang sabi nila.

"Osige. Manuod muna kayo diyan habang nagpe-prepare ako ng breakfast." Iniwan ko na sila doon at dumiretso na sa kitchen.

Hindi na ako nahirapan sa pagluluto dahil kumpleto ang mga gamit dito sa kitchen. Naghanda na din ako ng milk para sa dalawa.

Inilagay ko sa isang tray lahat para isang bitbitan na lang.

Papalabas na sana ako ng kitchen habang buhat-buhat yung tray na PUNO ng pagkain ng biglang sumulpot si Val!

"Ay kabayong bundat!" Gulat na sigaw ko. Natapon na din tuloy yung milk sa mga pagkain!

"Excuse me ho maam, gwapo ho ako. Hindi po kabayong bundat!"

"Tignan mo kung anong ginawa mo!" Bwisit tong lalaking to. Sayang yung pagkain!

"Aba teka lang, hindi ko kasalanan kung natapon yan no. Malay ko bang sa gwapo kong mukha ka nakatingin."

"HAHAHAHAHA. Teka lang. Gwapo? HAHAHAHA." Ibinaba ko muna yung tray sa table. "Asan banda diyan ang gwapo?"

"Lahat maam." Ngumiti pa siya. "Siguro malabo ang mga mata mo kaya hindi mo makita."

"Diba kung malabo ang mata ko, dapat mas makita ko na yang sinasabi mong kagwapuhan dahil kapag ako ng eyeglasses pa, kapangetan mo na lang ang matatanaw ko!" The nerve of this guy! Siya lang ang hindi ko nakakausap sa limang bibe, dahil akala ko siya ang pinakatahimik pero mali pala ko. Nasa loob lang pala ang kulo niya!

"Yung kagwapuhan ko kase, puro magaganda lang ang nakakakita."

Sinamaan ko siya ng tingin. "So anong sinasabi mo ha? Na panget ako?!"

"Oooops. Hindi ako ang nagsabi niyan." Mapang-asar pang sabi niyan.

"Ugggggh! Ang kapal mo din talaga e no? Panget! Ang panget-panget mo tapos baluga pa! Ay oo bagay pa sa pangalan mo! VALuga!"

Biglang dumating si Keisha. "Grabe Jess! Yung boses mo rinig na rinig ko agad mula sa gate."

"Eh pano yang tauhan mo, VALuga!" Nginitian niya ko ng nakakaloko. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan Keisha? Nako ha. Badtrip ako ngayon dahil sa VALuga na yan!"

"Alam niyo, ngayon ko lang napansin.."

"Napansing ano?"

"Bagay pala kayong dalawa-"

"HINDI!" Sabay naming sigaw ni Val.

"Oh edi hindi. Highblood naman kayong dalawa."

"Kase naman Miss, alam niyo naman po ang mga taste ko sa babae."

Pinameywangan ko siya. "So anong ibig mong sabihin ha? Hindi ako kaibig-ibig?"

"Wala akong sinasabing ganyan.
Guilty?" Hinampas ko siya ng plato.

"Ang kapal ng mukha mo! Hinding-hindi ako papatol sa baluga at panget no!"

"Okay lang. Hindi din naman ako pumapatol sa hindi na FRESH e."

"Aba't walang hiya ka talaga! HOY PARA IPAALAM KO SAYO, KAHIT MAY ANAK NA KONG TAO, MAGANDA AT SEXY PA DIN AKO NO! In short, HOT pa din ako!"

"HAHAHAHA. Basta fresh pa din ang gusto ko."

"Dun ka sa palengke maghanap! Maraming isda dun. Kung gusto mo nga yung buhay pa e! At least yun sigurado kang sariwa pa!" Kinuha ko na ulit yung tray. "Tabi nga diyan!"

"Okay Ms. Stale!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sira ulo ka talaga Val Myungsoo! Mababaril na talaga kita!"

"I love you too JESSYval!!" Tawa siya ng tawa habang naglalakad paalis.

Ugh! Thank you for ruining my day Val Myungsoo.

***
Bagong loveteam na dapat abangan? Anong magandang itawag sa kanila? ☺

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें