Season Two: Eleventh

4.5K 85 1
                                    

Season Two: Eleventh

Kanina pa ako nakasamid sa kabilang table kung saan naroroon ang magulang ni Lance, yung batang babae at si Lance. Iniinsist kanina ni Tita Margaret na doon din ako sumama sa table nila pero tumanggi ako, sinabi ko na may iba pa kaming pag-uusapan ni Clay kaya dito nalang muna ako sa table nila kasama ang mga pinsan ni Lance na sina Ate Lianne, remember them? Nakilala ko sila nung kasal ni Tita Erin five years ago. 

"KC?"

Lumipad ang tingin ko kay Ate Lianne, alam ko may sinasabi siya pero pahapyaw ko lang na naintindihan yun.

"I'm sorry, Ate. You were saying?" Kumurap-kurap pa ako para maibalik ko ang sarili ko sa katinuan.

"If you could design my wedding gown." Nakangiting sabi niya.

Right. Nabanggit nga pala ni Clay na ikakasal na si Ate Lianne six months from now and they are in the middle of preparations, wala ang magiging asawa niya sa launch dahil may inaasikaso daw ito sa ibang bansa.

"Of course I will, ate." Sagot ko sa kanya.

Maya-maya ay nag-ring ang cellphone nito, si Zach daw ang tumatawag, yung mapapangasawa niya kaya nag-excuse muna siya sa sarili niya at lumayo ng kaunti. Medyo maingay din naman kasi sa lugar dahil sa music at sa usapan ng mga tao. A little while later, nagkaroon ng komosyon. Akala ko naman kung ano ang nangyari pero iyon pala, dumating na ang Governor at ang kanyang asawa. Remembering her name's like a stab on my chest.

"Are you okay?" Nag-lean ng kaunti sa akin si Clay at bumulong.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. I shouldn't be affected, right? I must try my best to look cool and professional and moved on... Pero sino bang niloloko ko?

"KC, can you come with me for a second?"

Hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na si Tita Margaret at nakalahad ang kamay. Ayoko naman siyang mapahiya kaya sumama na ako sa kanya.

Little did I know, I am about to face my worst fears.


-


"You still remember the governor, KC?" Tanong sa akin ni Tito Luis.

"Yes, tito."

"You've turned into a lovely lady! Just five years ago, ang bata-bata mo pa. And I've also heard about your achievements in New York." Nakangiting komento ng governor sa akin.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Where stories live. Discover now