Chapter Seven

6.9K 102 2
                                    

Chapter Seven

Alice's POV

Two hours earlier...

"Hello?" Sagot ko sa tumatawag.

"Hello, Alice, hija? Si Tita Margaret mo ito." Pakilala nung taong nasa kabilang linya.

Nagulat naman ako. Bakit kaya tatawag sa kanya si Tita Margaret at hindi kay KC?

"Alice, punta kayo dito mamaya sa bahay. Masama kasi ang pakiramdam ni Lance kaya hindi nakapasok ngayon, magdinner sana tayo, pakisabi kay KC."

"Ah, o sige po, ako na po ang bahala. Ay, tita, kung okay lang po, meron po sana akong ididiscuss sa inyo mamaya?" Hoping ako na papayag si Tita Margaret sa plano ko na dapat magkatuluyan sina Lance at KC! Hahaha.

"Sure, tungkol saan ba yan?"

"Ah, eh, tita, masyado po kasing complicated kapag over the phone eh. Mamaya nalang po, alam niyo na, para detailed. Hehe." Shet, nakakahiya, kung ano-anong pinagsasasabi ko kay Tita Margaret.

"Ganun ba, sige, hija. See you later!"

"See you, tita!"

---

Third Person's POV

Pagdating nila sa bahay nila Lance ay sinalubong agad ni Margaret sina Alice at KC.

"Come on in." Anyaya nito sa kanila. Nahihiya man ay tumuloy si KC. Habang si Alice naman ay close na close kay Tita Margaret. Napailing nalang ang dalaga. Oh, well, madali talagang makaclose ni Alice ang mga tao lalo na kapag gusto nito ang ugali ng isang tao.

"KC, Lance is upstairs." Sabi ni Tita Margaret kay KC na kasalukuyang nakaupo sa receiving area ng bahay nila Lance.

"Bestfriend, akyat ka na!" Hinila ni Alice patayo si KC sa sofa at pinipilit umakyat.

"Tita, nakakahiya po ata." Nakangiti pero nahihiyang sabi ni KC kay Tita Margaret. Ito namang si Alice, hila ng hila sa kanya.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Where stories live. Discover now