Chapter Thirty-Two

5.6K 84 4
                                    

Chapter Thirty-Two

KC's POV

Monday mornings are always a struggle. Halos lahat ata ng estudyante ay tamad na tamad pumasok tuwing Monday, at hindi ako exemption sa kanila. Gustung-gusto ko pang matulog dahil una, pagod ako galing sa business congress, bandang 3 o' clock na ako nakauwi at pangalawa, gumawa pa ako ng written report para dun, kasi naman si headmaster, masyadong atat, kailangan agad may ipapasa mamaya. Kaloka.

"Mommy! Nasaan na si kuya?" Tanong ko agad sa mommy ko pagdating ko sa dining room namin. Shems, masama ang pakiramdam ko ha, sobrang puyat siguro, pero oh, well, kailangan pumasok. Aja! Aja! Fighting!

"Umalis na." Simpleng sabi ng mommy ko habang kumakain.

Laglag jaw naman ako sa narinig ko. How dare heeee!!! Grabe, iniwan pa ako! Siya kasi yung nag-d-drive at minsan, sumasabay ako sa kanya papasok. Grabe! Of all time, ngayon pa nang-iwan! Wala na rin naman akong magagawa kung patuloy akong magrarant dito kaya kumuha nalang ako ng isang slice ng tinapay at kumaripas na palabas ng bahay, kainis talaga!

"Aren't you gonna eat?" Pahabol na sigaw ni mommy.

"I'm gonna be late! Kakain ako on the way, bye mom!" Sabi ko at nagmamadaling lumabas ng gate.

"In a hurry, aren't we?" Napapitlag naman ako ng may biglang magsalita sa likod ko habang sinasara ko yung gate. Nilingon ko yun. Nakita ko si Lance na cool na cool habang nakasandal sa kotse niya at nakasampay ang blazer sa balikat, pero as usual, he's wearing his serious expression.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Picking you up because we're gonna be late." Sagot niya sabay binuksan yung passenger seat bago umikot papuntang driver's seat. Ako naman, eto, naiwang nganga.

"Well, hindi ka ba sasakay?" Sumilip si Lance bahagya sa may nakabukas na pinto na nakataas ang kilay.

Sabi ko nga sasakay na ako.

---

Napasulyap ako kay Lance na seryosong nagmamaneho. Akala mo hindi kami malelate eh, no?

"What?" Mukhang naramdaman niya na nakatingin ako sa kanya, hindi siya lumilingon.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon