Chapter Thirty-Eight

5.2K 75 4
                                    

Chapter Thirty-Eight

Ang saya-saya lang! After ng almost three hours na byahe, sa wakas, nakarating din kami sa Boracay! Sa rest house nina G.O., si Alice ang kasama ko sa kwarto habang si Kuya Alex at Mir, si Lance at G.O. Hay! Naeexcite na talaga ako. Actually, nagplano na din ako ng itinerary namin! Hahaha!

"Tara na mag-swimming! Woohoo!!!" Alice exclaimed, agad-agad niyang binuksan yung luggage niya at naghalukay doon ng susuotin niya. Pagdating sa pag-f-flaunt ng body, wala akong lakas ng loob, di tulad ni Alice. Sabagay, sexy naman kasi siya talaga.

"Bessy! Ikaw din!" Tawag sa atensyon ko ni Alice. Shiyeeet. Susuotin ko ba yung regalo niya sa'kin? Pwede naman ako mag-tank top at mag-board short shorts kesa suotin yung two-piece. *unsure*

Lumapit ako sa luggage ko at binuksan yun. Isa-isa kong nilabas ang mga dala kong damit. Bigla-biglang tumambad sa akin yung two-piece swimsuit na regalo ni Alice. Tuwing nakikita ko talaga yun, kinikilabutan ako. Para bang masyadong revealing. Hindi ata kaya ng powers ko.

"Uy, don't tell me yan ang susuotin mo?" Tinuro ni Alice yung hawak kong tank top at board shorts.

Tumango ako.

"Excuse me, KC. But this is BORACAY!" Nakangiwi na sabi niya, may emphasize pa siya sa word na BORACAY. "You should wear this!" She picked up the swimsuit from inside of my luggage at iniaabot sa akin. 

I hesitated.

Nakakahiya naman kasi magsuot ng ganun. Huhuhu.

Pumasok ako sa loob ng bathroom para magpalit. Shet, susuotin ko ba talaga ‘to? Kaso lang, sobrang kill joy naman kung hindi, pati nasa Boracay na rin lang kami, so why should I let the chance pass by me?

“Ano, okay ka na?” Kumatok si Alice sa labas ng pinto.

“Yeah!” Sigaw ko.

Tumingin ako sa salamin. Relax, KC. Be confident! Sabi ko sa sarili ko. Bago ako lumabas, I took a one last look over the mirror, I composed myself at huminga ng malalim.

Paglabas ko ng pinto, hindi ko alam ang irereact ko sa itsura niya, kasi parang gulat na gulat na hindi ko ma-explain.

“Oh my gosh, bessy!” She exclaimed.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon