Chapter Three

8.5K 132 6
                                    

Chapter Three

KC's POV

Tumingin ako sa orasan ko habang nagmamadali akong naglalakad. 5:30 na ng hapon! Holy shiz! Kasi naman, bakit ba kasi ako yung class president? Sobrang daming inuutos. -___-

Sa may field ako dadaan dahil mas malapit ang gate nun sa bahay kesa pag dumaan ako sa west gate na iikutin ko pa.

Habang naglalakad ay may napansin akong pamilyar na mukha na nakasandal sa gilid ng isang puno. Si Lance Go. Nakapikit siya. Parang natutulog. Bakit kaya di nalang siya umuwi at sa bahay nila matulog?

Huminto ako sa paglalakad ng maalala ko yung dapat kong gawin sa susunod na makita ko siya.

Para namang may sariling utak yung mga paa ko na nagsimulang maglakad papunta kay Lance.

"L-Lance..." Nag-atubili pa ako ng tawagin ko yung pangalan niya.

Hello? Di naman kaya kami close!

Wala akong nakuhang reaksyon man lang sa kanya.

Tulog ba talaga 'to?

"Lance."

Wala pa rin.

"Lance Go."

Wala pa rin.

Ano ba naman? Tulog mantika lang?

Sinipa-sipa ko yung binti niya para magising pero wala pa rin talaga.

Eto na. Kapag ito hindi pa gumana, lalayasan ko na talaga 'to.

"LANCE GO!!!" Sigaw ko.

Para namang nagulat siya dahil biglang bumukas yung mata niya.

After siguro ng mga 2 segundo ay nakabawi din siya at pinikit-pikit yung mga mata niya.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon