Tahimik lamang kaming naglakad nila Icko, ramdam ko na nakatingin sila ni Eloisa sa akin, alam ko na iniisip nila kung ano ba ang nangyari talaga sa amin ni Arwin at kung bakit nila ako nakitang halos daig pa ang natalo sa isang giyera, pero ayoko na palakihin pa ang mga bagay-bagay, ayoko nang idamay pa si Icko sa kung ano man ang nangyayari sa akin.


Nang makarating kami sa bahay ay nakaramdam naman ako ng kaunting hiya dahil sa paghahatid nila sa akin kaya naman sa halip na paalisin sila ay inalok ko sila na pumasok muna sa loob ng bahay bilang pasasalamat na din sa paghatid sa akin na tinanggap naman nila. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay pinaupo ko sila sa sofa sa may sala, at pagkatapos ay pupunta na sana ako sa kusina upang ikuha sila ng makakain pero pinigilan ako ni Icko at siyang nagpresinta na siya na ang kukuha.


"Mabuti pa maupo ka na lang, ako na ang kukuha ng makakain sa kusina niyo." Ang sabi ni Icko, at di pa man ako nakakasang-ayon ay tumayo na si Icko kaya naman itinuro ko na sa kanya ang kusina at pagkatapos ay naupo ako sa may sofa, sa pag-upo ko ay muli akong nakaramdam ng pagkalungkot, unti-unting nagiging blangko ang isip ko.


"Uhm Luke..." ang nadinig kong pagtawag sa akin ni Eloisa, dahilan para mapatingin ako sa kanya.


"Ano 'yon?" ang malate kong tugon sa kanya.


"Alam ko na kakakilala pa lang natin, pero 'wag mo sanang masamain kung itatanong ko sa'yo kung ano ba ang nangyari? Ang totoo kasi niyan ay nag-aalala sa'yo si Icko." Ang sabi ni Eloisa sa akin at nakita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya para kay Icko, at ngumiti ako sa kanya.


"Everything will be okay, huwag niyo akong alalahanin ni Icko, sa nakikita ko ngayon sa mata mo na pag-aalala kay Icko ay alam kong pinahahalagahan mo siya ng lubos, at ayoko na din na isali pa kayo ni Icko sa kung ano man ang naging problema ko ngayon." Ang sabi ko bilang sagot.


"Yung lalaking humila sa'yo kanina, sino siya?" ang biglang tanong sa akin ni Eloisa. "Sa tingin ko ay special siya sa'yo, the way you react kasi kanina noong biglang sumulpot yung lalaking 'yon ay may tuwa akong nakita sa mukha mo." Ang sabi ni Eloisa na para bang alam niya na agad kung ano nga ba si Arwin sa buhay ko.


"Ah siya ba? Arwin ang pangalan niya, partner ko siya or in other words boyfriend ko siya, pero before 'yon, before maging kumplikado ang mga bagay dahil sa pagdating ng isang tao sa buhay niya, sa buhay namin." Ang sabi ko namang bilang sagot at habang sinasabi ko 'yon ay di ko maiwasan na mas malungkot pa dahil sa dami ng pinagdaanan namin isang Charlie lang pala ang bubuwag sa amin.


"You mean, isinuko niyo na lang ang relasyon niyo dahil sa isang tao?" ang tanong ni Eloisa sa akin.


"Siguro, parang ganon na nga." Ang sabi ko naman bilang matipid na sagot.


"Bakit di mo siya pinaglaban, I mean bakit di niyo pinanindigan ang pagmamahalan niyo kung mahal niyo talaga ang isa't isa? Don't get me wrong or 'wag k asana ma-offend ha?" ang sabi ni Eloisa bilang reaksiyon sa sagot ko, at ngumiti ako sa kanya sabay yuko habang nakatingin sa coffeetable.


"Pinaglaban namin, sa maniwala ka at hindi sinubukan namin na ipaglaban at isalba ang relasyon namin, pero ano ang laban namin, o laban ko kung yung taong kaagaw ko may taning na ang buhay, I mean hindi ko kayang maging madamot sa isang tao na malapit nang mamatay, hindi ko yata makakaya na ipagdamot ko sa isang tao yung makakapagpasaya dito. Nang malaman ko kasi na may taning na ang buhay nang taong kaagaw ko kay Arwin, naunawaan ko bakit ganoon na lang yung taong 'yon, bakit gusto niya mabawi ang lahat ng oras na nawala sa kanila ni Arwin, at siguro kung ako man siya ay gagawin ko din ang ginagawa niya." Ang sabi ko naman bilang pagsagot sa kanya, at nararamdaman ko na naman noong mga sandaling iyon ang pangingilid ng luha ko.

Rain.Boys VWhere stories live. Discover now