Chapter 20: Surprise ♥

2.9K 23 8
                                    

Chapter 20

Gicelle’s POV

Kasalukuyan akong nasa hospital at hinihintay ang resulta ng test kung magka-match kami ni Geuel (pronounced as Jewel) , ang kakambal ko na nagtatago sa pangalang Dyowi.

Nagulat man ako sa pinagtapat sakin ni Graf pero hindi ko makuhang tanggapin si Dyowi or Geuel bilang kapatid or kakambal pa. Lalo lang nito pinalalala ang sitwasyon dahil maaaring si Dyowi ang ipakasal kay Graf imbes na ako.

No way! Akin lang si Graf.

Lumabas ang doctor, “Goodness, Ms. Garcia” anunsyo ng doctor, “match po ang dugo nyo sa kelangan dugo ni Ms. Clavel” dagdag nito.

Lumabas na ko sa testing room kasama ang doctor para sabihin kay Daddy at Tito Danillo ang balita.

Paglapit namin sa waiting area kung saan nakaupo sila Tito Danillo at Daddy..

“Positive po” sabi agad ng doctor. Sumilay ang mga ngiti sa mga labi ng mga ito.

Lumapit at yumakap sakin si Daddy, “Please do everything para mailigtas natin ang kapatid mo” sabi nito.

Ngumiti naman ako, “Opo, Dad pero pwede ko po ang makausap muna si Graf bago ko magdonate ng dugo?” request ko.

Dali daling tinawag ni Tito Danillo si Graf.

Yumakap ako kay Graf, “Samahan mo ko please” sabi ko.

Hindi na ito sumagot bagkus ay hinawakan nito ang kamay ko para samahan.

Pumasok kami sa isang room...

“Are you ready?” tanong sakin ng doctor.

Tumingin muna ko kay Graf, “Doc, give us 5 minutes to talk” sabi ko.

Iniwan naman agad kami ng doctor.

Umupo ako sa kama at umupo naman si Graf sa couch.

Nakatingin ito sakin, “Ano  dapat nating pag-usapan, Gicelle?” tanong nito.

Matamang tinitigan ko ito mata sa mata, “Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa” sabi ko, “Gusto mong mabuhay pa si Dyowi kahit na dugo ko lang naman ang kelangan di ba?” dagdag ko.

Kumunot ang noo nito na halatang naguguluhan.

“If you want to her to remain alive, you need to marry me” sabi ko.

Tumayo ito, “H-how could you do this to me? And to your sister?!” galit na tanong nito sakin.

Tumayo rin ako, “Mahal kita, Graf pero mula ng makilala mo si Dyowi....

Wala ka ng nakikita kundi sya lang... Siya lang!” pagalit kong sabi.

“And you want me to marry you?!” sarcastic na tanong nito, “You are so selfish!” mariing sabi nito.

“Call me selfish pero yun lang ang hinihiling ko sayo...

Ang pakasalan ako” dugtong ko.

------

Dyowi’s POV

It’s been a week mula ng malaman ko ang buong katotohan kay Fredo Garcia, ang tunay na ama ko.

Noong una ay galit ako rito at kela Kuya Dam at Daddy pero naunawan ko ang mga ito.      

It’s been a week mula ng mahospital ako...

It’s been a week mula ng makita ko si Graf...

At si Gicelle, na dati ay kaagaw ko sa pag-ibig ni Graf ay kapatid at kakambal ko pa pala. Ang daming unos na dumating sa buhay ko pero ito ang tanging unos na hinding hindi ko makakalimutan.

Patiently Waiting ♥ [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now