Chapter 16: Gicelle's First Plan

3.1K 22 6
                                    

Chapter 16

Dyowi’s POV

“Mag-break ka muna” yaya sakin ni Axel. Nagulat naman ako dahil para itong kabute na bigla bigla na lang sumusulpot.

Umiiling ako, “Ayoko muna. Gusto ko kasing matapos tong pagpapa-check-up ko sa mga bata” sabi ko rito.

Tumabi ito sakin, “Pano mo matatapos yan kung hindi madadagdagan ng enerhiya yang katawan mo?” sabi muli nito. Nahahalata kong concern ito.

“Tigasin ako, pare” paangas kong sabi rito.

Natawa naman ito, “Hahaha. Doctor ka ba talaga?” tanong nito sakin, “Para kang maton eh” sabi nito.

“I was a man in my previous life. Haha” sabi ko uli.

May lumapit na bata samin, “Doc, nasugatan po ako” sabay turo nito sa braso nitong may sugat.

“Ano nangyari dyan?” tanong ko habang kinukuha ang band aid, alcohol at betadine.

Napakamot ang bata, “Eh naghaharutan po kasi kami ng mga kalaro ko” pag-amin nito sakin.

Ngumiti naman ako, “Sa susunod..” habang nililinis ko ng alcohol ang sugat nito, “mag-iingat kayo ha” tumingin ako rito at nakatitig naman ito sakin.

Nang matapos ko itong gamutin, “Salamat po Doc!” pasasalamat ng bata, “Hindi lang po kayo maganda, ang bait-bait nyo pa po” puri nito sakin at tumalima na rin ito.

Nag-init naman ang mga pisngi ko.

“I like it when you blushed” sabi ni Axel na ang tinutukoy ay ang pisngi ko.

Natuliro naman ako, “H-hindi no!” pagtanggi ko.

Kinuha nito ang kamay ko, “Let’s eat” yaya nito ulit sakin.

“Pero......

“Tumanggi ka pa kung hindi tatanggalin ko ang sponsorship ko” kunwaring pananakot nito.

Wala naman ako nagawa kundi ang sumunod na lamang dito. In fact tama ito, paano ko matatapos ang medical mission kung wala man lang akong energy sa katawan.

He is nice....sabi ng isip ko ng bigla kong naalala si Graf.

I miss HIM....

--------

Axel’s POV

Kumakain kami ni Dyowi sa isang restaurant malapit sa orphanage.

“Thank you” napatingin ako kay Dyowi ng nagpasalamat ito.

“For what?” naguguhulan kong tanong.

“For this” sabay turo sa pagkain.

Natawa naman ako, “Hoy, may bayad yan” biro ko sakanya.

Pinanlakihan naman ako ng mata nito, “Ano?!” sabay tingin ulit sa pagkain. “Kain ako ng kain dito, akala ko naman libre, hindi pala” sabay nguso.

“Haha! You really don’t need to do that” sabi ko na ang tinutukoy ay pag-ngunguso nito or in short ay pagpopoker-face.

“Anong that?” naguguluhan nitong tanong.

“That oh!” sabay nguso ko sa pagkain. “Ang cute mo kasi pag ginagawa mo yun” sabi ko. Totoo naman. Siguro hindi nito napapansin yun.

“Aaaaaaah! Hahaha. Sensya naman. Hindi ko kasi alam e” sabi nito at muling sumubo ng pagkain.

“Nag-iisa ka lang bang babae?” tanong ko. Naku-curious kasi ako sa family nito. Hindi kasi sya mukhang mayaman.

Tumango ito, “Oo pero may kapatid ako na lalaki” sabi nito at sumubo naman ng icecream. “Bakit mo natanong?” tanong naman nito sakin.

Patiently Waiting ♥ [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now