MOTSB 24

726 18 2
                                    

24: Sorry

ETHAN'S POV

Day 27...

Papunta ako sa condo ni Kiro para daanan yung anklet na naiwan ko noong pumunta kami nila Chan at Gelo sa condo nya.

Mahalaga sakin yung anklet na yun dahil galing yun kay Eira. Parehas kaming mayroong ganung anklet, bestfriend anklet daw sabi nya.

Kaya sigurado akong magagalit yun kapagnalaman nya na nawala ko yun kaya eto ko at sinadya pa talagang kunin yung anklet.

Nasa hallway nako nang makita ko ang hindi inaasahang tao, nanatili akong nakatayo sa pwesto ko at nakatitig nang masama.

Lalaki ako, masakit para sa ego ko na makita yung girlfriend ko na may kahalikang iba at kaibigan ko pa.

Maya-maya ay natauhan ata yung malanding pusa at napatingin sa direksyon ko.

Bahagyang nagulat sya sa presensya ko, pati na rin yung traydor kong kaibigan.

Inalis ko yung tingin ko sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nakita.

Habang naglalakad ako ay may humila sa braso ko.

"What do you want?" Cold kong sabi.

"I-i can explain." Nauutal nyang sabi.

Tss.

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Hinawakan nya ulit yung braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"We're done. Stop following me." Madiin na sabi ko habang nakatalikod sa kanya.

Kakalakad ko ay napunta ko dito sa rooftop.

Biglang pumasok sa isip ko si Eira, mahilig kasi yun magpalipas nang oras sa mga rooftop.

Ewan ko kung ano bang meron sa rooftop at gustong gusto nyang tumambay don.

"Teka lang naman Ethan!" Naiirita na'ko sa kakasunod nang babaeng to kaya hinarap ko na.

"Can't you fucking understand? Stop following me." Malamig kong sabi.

"Let me explain!" Pilit nya.

Napa smirk ako. Hindi lang pala malandi ang babaeng to makapal din ang mukha.

"What? Ano pang i- eexplain mo eh kitang kita mismo nang dalawa kong mga mata kung pano mo landiin yung kaibigan ko. Of all people na lalandiin mo Ynna bakit si Aki pa?" Hindi ko alam pero may pagka irita sa boses ko.

Oo, inaamin ko na noong una ay nagkagusto ko sa babaeng to. Pero nawala din yun nang makita ko yung tunay nyang ugali.

Matagal ko nang alam na sinagot lang ako ng babaeng to dahil gusto nya lang na mapalapit kay Aki, hindi naman ako tanga para hindi ko malaman yun.

"Huwag mo nang dagdagan yang kasinungalingan mo. Matagal ko nang alam, kaya mo ko sinagot dahil gusto mong mapalapit kay Aki diba. Pero alam mo ba kung bakit kita niligawan?" Napa- smirk ako nang sabihin yan.

"Dahil kay Eira, wag kang mag-alala dahil quits lang tayo. We just both used each other."

Hindi ko naman talaga sya liligawan, pero dahil sya ang babaeng pinaka inaayawan ni Eira ay sya ang linigawan ko.

"Gusto kong mawala yung nararamdaman na pagtingin sakin ni Eira, matagal ko nang alam na may gusto sya sakin kaya niligawan kita."

Alam kong masasaktan sya pero alam kong yun ang tama.

"Pinilit kong ipakita sa kanya na masaya ko nung araw na sinagot mo 'ko para mabaling na sa iba yung nararamdaman nya."

Nakita kong tumulo yung mga luha nya.

Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin nya at umalis na don.

Habang naglalakad ako ay may nabangga ako.

"Sorry." Sabay na sabi namin nung nabangga ko.

Tinulungan ko syang kunin yung ibang gamit nya at iniabot ko yun sa kanya sabay hingi ulit nang sorry.

"Okay lang." Sagot nya sabay ngiti.

Nginitian ko na lang din pabalik bago 'ko tuluyan na umalis.



Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon