MOTSB 15

810 18 0
                                    

15: Good Mood

EIRA'S POV

Day 21...

"Si Angel Hope yung kakambal mo?!"

Riiiiinggg

Riiiiinggg

Nang magsalita 'ko ay saktong nagring yung phone nya.

Panira naman eh!

"Sige. Sagutin mo muna yan." Sabi ko.

Lumayo muna sya bago nya sinagot yung phone call.

Hindi ako namamalikmata, kahawig na kahawig nya talaga si Angel Hope.

Kaya pala medyo familiar yung itsura nya dahil kahawig sya ni Angel Hope.

"Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina?" Nabalik ako sa huwisyo ng magsalita sya.

"H-ha? Ah wala. Sabi ko kailangan ko ng umalis."

"Ha? Sure ka ba?" Tanong nya.

"Oo naman. Bakit?"

"Nevermind." Sagot nya.

Umalis na ko pagkatapos kong magpaalam.

Habang naglalakad ako ay iniisip ko na dapat ko pa bang sabihin kay Angel Hope yung mga nalaman ko?

Kaso baka makaapekto lang to sakanya kung sasabihin ko?

Nagfaflashback kasi sa isip ko yung sinabi nya sakin dati.

Na oras na may malaman sila sa nakaraan nila ay maapektuhan ang pagiging Angel nila.

Habang naglalakad ako ay parang nakita ko si Ethan.

Hindi ko na lang pinansin yung nakita ko, baka naman kasi na guniguni ko lang yun dahil sa dami ng iniisip ko.


KIRO'S POV

Pagkatapos kong sagutin yung tawag ni Gelo ay bumalik nako.

"Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina?" Tanong ko.

"H-ha? Ah wala. Sabi ko kailangan ko ng umalis."

"Ha? Sure ka ba?"

Plano ko kasing ipakilala sya sa mga kaibigan ko dahil pupunta daw sila.

Kaso aalis na pala sya.

"Oo naman. Bakit?" Tanong nya.

"Nevermind."

Hindi ko na lang sinabi kung bakit dahil baka mamaya lumaki yung ulo nya at kung ano pang isipin.

Mga ilang minuto bago umalis si Nathalie ay may nagdoorbell.

"Oh dude! Mukhang ang ganda ng mood natin ngayon ah!" Bungad ni Gelo nang buksan ko ang pinto.

"Tangeks pano mo naman nasabi? Eh ang seryoso nga ng itsura oh." Tanong ni Chan kay Gelo sabay turo sakin.

"Syempre, hindi nya ko sinigawan nang tumawag ako kanina. Tsaka hindi tayo pinag bawalang pumunta dito." Proud na sabi ni Gelo.

"Wala ba kayong balak na pumasok dalawa?!" Sigaw nang nasa likuran nila kaya napatingin ako dun.

Hindi ko alam na kasama pala nila si Ethan.

"Ano bro! Namiss mo ba ko?" Bati nya pagkatapos ay nakipag bro fist sakin.

Isa si Ethan sa pinaka- matalik kong kaibigan.

"Bakit ano ba pinagkakaabalahan mo?" Tanong ko.

Simula kasi nang lumabas ako sa Ospital ay hindi pa kami nagkikitang dalawa.

"Palagi kasi akong nasa ospital, binabantayan ko yung kai-- este half sister ko." Sagot nya.

Nai-kwento nya na samin dati na may half sister sya. Pero hindi ata yun alam nung half sister nya na magkapatid sila.

"Pero dude matanong ko lang. Bakit nga pala hindi ka beastmode kanina sa kaingayan ni Gelo?" Sabi nya habang naka upong de cuatro.

"Bakit? Hindi na ba 'ko pwedeng maging mabait sa inyo?" Sarkastikong sabi ko.

"Nakakapanibago lang, parang may iba sa'yo!" Singit ni Gelo.

"Sadyang good mood lang talaga ko kanina nung tumawag ka." Sagot ko.

"Ha? Pano ka naging good mood?" Curious na tanong ni Chan.

"Oo nga?" Sabay na sabi ni Gelo at Ethan.

"Tss. Wag kayong mga chismoso." Sagot ko sa kanila.




Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon