MOTSB 17

798 16 0
                                    

17: The Nerd

EIRA'S POV

Day 23...

Nandito ako ngayon sa school nila Ethan. Wala naman kasi akong magawa.

Namiss ko na tuloy pumasok nang school.

Habang naglalakad ako ay biglang may nabangga ako.

"Ay sorry po." Sabi nang babae habang pinupulot yung mga gamit nya.

Ako? Eto nakatulala pa rin dahil sa nangyari. Ako ba yung sinabihan nya nang sorry?

"Miss ayos ka lang? Sorry talaga." Teka? Eto yung nerd na inaway nila Ynna dati ah.

Nakikita nya ko?

"Grabe bes, nababaliw na ata oh."

"Sino ba kinakausap nya? hangin?"

"Mukhang nasobrahan ata kakaaral yung nerd."

"Oo nga hahaha."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko.

Sandaling tinignan nung babae yung sa mga estudyanteng ang lalakas magbulungan.

Pagkatapos nyang lingunin yung mga chismosang estudyante ay naglakad at huminto sya sa tabi ko, at may- ibinulong sya pero mahina lang.

"Follow me." Mahinang sabi nya.

Napasunod na lang ako, dahil ngayon sure na 'ko na ako nga yung kinakausap nya.

Nang tumigil sya sa paglalakad ay tumigil na din ako.

"Ayan pwede na kitang kausapin. Walang mga taong nadaan at natambay dito." Sabi nya.

"So nakikita mo nga talaga ko?" Tanong ko.

"Oo naman." Nakangiting sagot nya.

"Hintayin mo ko dito saglit." Lumayo sya nang konti at may tinawagan sa cellphone nya.

"Tara?" Sabi nya pagbalik nya.

"Ha? Saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa bahay. Mas safe pag dun tayo mag-uusap."

Bakit parang hindi sya nerd kung umasta.

Tapos ngayon mag- cucutting sya?

Nandito na kami ngayon sa bahay nila. At in fairness ang laki ng bahay nila.

Pagpasok namin nang kwarto nya ay tinanggal nya yung eyeglasses nya, at nilapag yun sa may side table.

Ako naman naupo sa may couch. Sorry pero ganto talaga ko kahit kaninong bahay, feel at home lang palagi.

"Uy ang ganda mo pag hindi mo suot yang eyeglasses mo." Kumento ko.

"Alam ko naman yun. Actually props ko lang naman yang eyeglasses na yan eh." Sagot nya.

"So hindi ka talaga nerd?" Tanong ko.

"Uh-huh! By the way I'm Althea Chacon." Pagpapakilala nya.

"Ako naman si Eira. Pero hindi ka ba natatakot sakin?" Sagot ko.

"Bata pa lang ako nakakakita na 'ko ng mga bagay na hindi nakikita nang ibang tao, ayon din yung dahilan kung bakit mas gusto kong magpaka nerd na lang. Para iwas atensyon." Sagot nya pagkatapos ay matipid na ngumiti.

"Ikaw ba? Anong kwento mo? Pano ka namatay?"

Literal na nanlaki yung mata ko after kong marinig yung sinabi nya.

"Pfft! Hahahaha!"

"Uy bakit ka tumatawa? Hindi naman ako nag-joke ah." sabi nya na parang naguguluhan.

"Eh grabe ka naman kasi! Hindi pa 'ko patay no!"

"Ah eh ganun ba? Haha sorry! Eh ano bang nangyari sayo?" Tanong nya.

"Mahabang kwento eh. Pero papaikliin ko na lang. Comattose ako ngayon at may misyon akong kailangang magawa para makabalik nako sa katawan ko." Sagot ko.

"Hmm..First time kong makarinig nang ganyang kwento. Kadalasan kasi mga matagal nang namatay yung nakikita at nakakausap ko. Yung iba humihingi nang hustisya sa pagkamatay nila."

Parang nag- taasan yung mga balahibo ko nang i-kwento nya yun. Hindi naman kasi normal na makakita at makakausap ka nang taong matagal nang patay.

At tsaka takot ako sa mga multo no!

Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon