MOTSB 23

738 13 0
                                    

23: Because Of Her

EIRA'S POV

Day 27...

Nandito ako sa may rooftop nang condo ni Kiro.

Pupuntahan ko sana sya kaya lang sarado yung condo  nya, hindi na din naman ako nakakatagos sa mga walls.

Kaya dumiretso na lang ako dito.

Siguro nga nakagawian ko na ang tumambay sa mga rooftop.

Pero hindi ko maiwasang isipin yung pinag-usapan namin ni Angel Hope.

[Flashback...]

"Simple lang, tutulungan mo 'ko at tutulungan din kita." Sabi nya na ikinakunot nang noo ko.

Hindi ko kasi naiintindihan kung ano yung gusto nya mangyari.

"Ha? Papaanong tutulungan kita?" Tanong ko.

"Ganito yun. Ito lang ang alam kong paraan para matulungan mo ko at matulungan din kita. Tulungan mo kong magkabati ang kapatid ko at ang Daddy k--"

Natigil sya sa pagsasalita dahil bigla akong sumabat.

"ALAM MO NA?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Akala ko ba hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa nakaraan nya?

"Oo. And pwede patapusin mo muna ko ha?" Nagnod na lang ako.

Pagkatapos ay pinagpatuloy nya na yung sinasabi nya.

"Sabi ko nga kanina. Kailangan mong tulungan na magkaayos na ang Kapatid at ang daddy ko, ayokong mawala ulit ang alaala ko nang magkagalit pa din sila. Alam kong dahil sa pagkawala namin ni Mommy noon kaya hindi sila ayos ngayon. At alam kong yun din ang gugustuhing mangyari ni Mommy, ang magkaayos sila."

"Kapag nagawa mo yun, tutulungan din kitang mawala ang sakit nang daddy mo. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sakin na pag-ayusin sila ni daddy dahil nakikita ka ni Hiro. Oo nakakakita si Hiro nang mga hindi ordinaryong tao, pero hindi nya nakikita ang mga taong malapit sa kanya kagaya ko."

"Kailangan mong magawa yun bago dumating ang ika-tatlumput pitong mo, dahil yun din kasi yung araw na buburahin sakin ang mga alaala ko."

Medyo naguguluhan pa din ako sa sinasabi nya pero hindi ko alam, bigla na lang ako napasagot na tutulungan ko sya sa gusto nyang mangyari.

Siguro dahil na din kay daddy. Dahil gusto kong gumaling din si Daddy.

[End Of Flashback...]

Sobrang mahal nya yung kapatid at daddy nya.

Bago mawala yung mga alaala nya ay gusto nyang siguraduhin na okay ang daddy nya at si Kiro.

Siguro yun yung sinasabi nyang dahilan sakin kung bakit hindi nila pwedeng maalala ang mga taong may kinalaman sa nakaraan nilang mga anghel.

Nagulat ako nang may mag- salita.

"Teka lang naman Ethan!" Sigaw ni Ynna.

Anong ginagawa nila dito?

"Can't you fucking understand? Stop following me." Malamig nyang sabi.

Ngayon ko lang syang nakitang ganyan, sobrang dark nang aura nya.

"Let me explain!" Pilit ni Ynna.

Ano bang nangyari? Bakit ba sila nag-aaway?

"What? Ano pang i- eexplain mo eh kitang kita mismo nang dalawa kong mga mata kung pano mo landiin yung kaibigan ko. Of all people na lalandiin mo Ynna bakit si Aki pa?" May pagka iritadong sabi nya.

Hindi ko alam pero biglang nagpantig yung tenga ko nang marinig ko yung pangalan ni Kiro.

Magsasalita na sana si Ynna nang pigilin sya ni Ethan.

"Huwag mo nang dagdagan yang kasinungalingan mo. Matagal ko nang alam, kaya mo ko sinagot dahil gusto mong mapalapit kay Aki diba. Pero alam mo ba kung bakit kita niligawan?" Napangisi si Ethan nang sabihin yan.

"Dahil kay Eira, wag kang mag-alala dahil quits lang tayo. We just both used each other."

Hindi ko maintindihan kung ano yung mga pinagsasasabi ni Ethan.

Anong dahil sakin? Anong kinalaman ko sa panliligaw nya kay Ynna noon?



Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon