MOTSB 21

734 16 0
                                    

21: Her Dad



EIRA'S POV

Day 26...

Sa mga nagdaang mga araw ay mas nakikilala ko pa si Kiro. Yung tunay na sya.

Kung hindi mo talaga sya kilala ay mukha syang matapang at malakas pero kabaligtaran non' ang tunay na sya.

Papunta ko ngayon sa hospital kung saan ako naka-confine.

Ewan ko, para kasing may bumabagabag sa 'kin na hindi ko maipaliwanag.

At napag-isip isip ko na din ngayon na tama si Thea. Hindi dapat ako magpaka selfish.

Kailangan kong ipagpatuloy tong mission na'to at handa na 'ko sa ano mang patutunguhan nito.

Kailangan kong tanggapin yun.

Nang nandito na'ko sa ospital ay parang may kakaiba talaga kong nararamdaman.

Nakita ko si Mommy na hinahaplos yung buhok ko habang may sinasabi.

Lumapit ako nang konti sa direksyon nya upang marinig yung sinasabi nya.

"Anak, bakit naman kailangang ganito? Miss na miss ka na ni Mommy. Sorry kung hindi ko pinaalam sa'yo agad na si Nio ang Daddy mo. Sana sabihin mo sa Daddy mo na lumaban s'ya sa sakit nya." Sabi ni mommy sabay punas sa luha nya.

Hindi ko maintindihan yung sinasabi ni Mommy.

Ano yung ibig nyang sabihin?

"Oo galit ako sa Daddy mo, pero gusto ko din naman na makasama mo pa ang daddy mo." Patuloy nya.

Napansin kong wala dito sa kwarto ko si Daddy ngayon.

Sa tuwing pupunta kasi ako dito ay nakikita ko si daddy na inaasikaso ako at binabantayan ako palagi.

Siguro masyado lang akong nasanay na palaging nandito si Daddy kaya parang naninibago ako.

Napalingon ako sa may pintuan nang may pumasok. Nakita ko si Ethan, bakit ganon yung mata nya? Parang sobrang lungkot nya.

"Tita, kamusta po si Daddy?" Tanong nya kay Mommy nang makapasok na nang pinto.

Nakuha nang atensyon ko yung tinanong nya kay Mommy.

"Nasa kabilang kwarto si Nio, Ethan." Sagot ni Mommy.

Ha? Bakit? May nangyari bang masama sa Daddy ni -- I mean kay Daddy?

Sinundan ko si Ethan sa kabilang kwarto at nagulat ako nang makita si Daddy.

May hindi ba ko alam?

Bakit nandyan si Daddy? May nangyari bang masama sa kanya? May sakit ba s'ya?

Ang daming tanong na nabuo sa isip ko nang makita ko si Daddy na nakahiga sa hospital bed.

"Dad." Sabi nya nang lumapit kay daddy.

Ramdam ko yung lungkot dun sa boses nya.

Nakita kong ngumiti nang pilit si Daddy habang nakatingin kay Ethan.

"Since when?" Bungad nya.

Wala kong idea sa mga sinasabi ni Ethan.

"Bakit hindi mo manlang sinabi dad?" Medyo may halong inis ang boses nya.

Pinapanood ko lang ang mga nangyayari at pilit na inuunawa kung ano ba yung pinag- uusapan nila.

"For f*ck's sake dad. Tell me hindi totoo yung sinabi nang Doctor sakin. Malakas ka naman diba?"

Umiling si Daddy pagkatapos ay nagsalita.

"I'm sorry son. Pero ngayon pa ba 'ko magsisinungaling? I'm sick. At hindi ko alam kung magtatagal pa 'ko. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo kung dumating man ang araw na yun. Promise me that you'll protect her no matter what."

Dahil sa huling mga salitang sinabi ni Daddy ay kusang tumulo ang luha ko.

"You know what son? I envy you, dahil mukhang mas close kayo nang prinsesa ko." Sabi ni Daddy.

Ako ba yung tinawag ni Daddy na prinsesa? Hindi ko alam pero ang saya sa feeling na may Daddy ka.



Mission Of The Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon