5. Planet Urth

1.7K 51 0
                                    



Urth — Rot Planet

Ang planetang Urth ay ikatlong kolonya ng gobyernong Kromiz (Kromiz - tao sa planetang Chrome). Tulad ng Jinkai at Zega-Capslan, ang Urth ay isa sa dalawampung buwan o satellite ng planetang Armstrong. Ito ang ikalawang inhabitable planet na nadiskubre ng mga Star Trekkers noong 5960 O.E. (Odyssey Era) - ang panahon na sumibol ang paglalakbay sa kalawakan. Ang mga sinaunang Star Trekkers ng Kromiz ang tinatayang unang homo sapiens o tao na nakaapak sa kalupaan ng planetang ito.

Surface Gravity : 3.9 m/s²

Maximum Surface Temperature : Positive 23.76 degrees centigrade

Minimum Surface Temperature : Negative 90.6 degree centigrade

Atmospheric Surface Pressure : 1.2 KPa

Composition of Atmosphere : 30.03% Carbon Dioxide (CO2), 20.0% Hydrogen Sulfide, 20.0% Oxygen, 9.10% Sulfur Dioxide, 20.87% Other Gases.

Tinatawag na Rot Planet ang Urth dahil sa pagkakaroon ng atmosperang may mataas na level ng Hydrogen Sulfide na parang amoy bulok na itlog. Ang kulay ng lupa dito ay pinaghalong dugo, tanso at pilak. Ang lupa ay sagana sa mineral at masasabi na ito'y mataba.

Ang planetang Urth ang maituturing pinaka-kaibang planeta sa buong Parthenon Galaxy sapagkat ang ito'y tataglay ng napakaraming langis. Sinasabing ang planetang ito ang pinakaunang planeta na naging inhabitable planet kaya ganito na lamang kadami ang na depositong langis sa ilalim at maging sa ibabaw ng lupa nito. Dahil sa nag-umapaw ang langis sa buong planeta, nagkakaroon ng carbon dioxide, Sulfur Dioxide at Hydrogen Sulfide emission na siyang nakakasama sa kalusugan ng homo sapiens na pwedeng ikamatay pag hindi nakasuot ng Life Helmet. Mataas ang level ng Hydrogen Sulfide sa planeta kaya dapat may suot din ang na Life Suit ang mga tao para hindi masunog o magkaroon ng allergy. Isang palaisipan sa mga eksperto ang pagiging inhabitable planet ng Urth dahil walang hayop o halaman ang nakatira sa planeta ngunit may kakaibang mikrobyo ang nabubuhay doon kaya masasabing isa itong inhabitable planet. Ang mga mikrobyong ito ay hindi genetically engineered at likas na nabuo ng kalikasan. Malalaki ang mikrobyo dito dahil nakikita na ito ng ating mga mata at hindi na kailangang gumamit ng mikroskopyo. Masasabing mikrobyo pa rin ang mga ito dahil single-cell na nilalang sila. Lubhang mapanganib ang mga mikrobyong ito dahil ito'y nakakaapekto sa kalusugan ng mga mangagawang naroroon. Kaya naman dapat araw-araw silang papasok sa decontamination room at hindi pinapayagang lumabas ng mag-isa at pag hindi nakasakay sa Life Trucks.

Walang syudad na ipinatayo ang kolonyang Kromiz sa planetang Urth ngunit mayroong mga istasyon na ipinatayo ang kolonya para kukuha ng mga depositong langis na siyang ginagamit sa komersyo. Nakalutang ang mga istasyon sa atmospera ng planetang Urth sapagkat delikado kung magtatayo sila ng istasyon sa malangis na lupa ng planeta dahil iniiwasan ng mga inhenyero ang pagkakaroon ng apoy. Natural pag may langis pwede itong ikasanhi ng pagliyab ng apoy kahit kaunting friction lamang.

Ang langis sa planetang Urth ang nagpapayaman sa kolonyang Kromiz. Mula sa maruming langis gumagawa sila ng isang makabago at malinis na langis at inaangkat ito sa komersyo. Ang makabango at malinis na langis na ito ay tinatawag na glide — isang uri ng langis na dinaan sa matinding proseso ng pagsasalang sa refinery plants para maging pino at kasing linaw ng tubig ito. Ang glide ay epektibo sa pagpapaandar ng makina ng mga sasakyan at walang masamang naidudulot sa kalikasan ng ibang planeta. 

Walang bagyo at ulan sa planetang urth ngunit may kaunting tubig naman ang planeta. Maamog ang atmospera ng Urth dahil sa Hydrogen Sulfide at dahil sa mababa ang surface gravity nito, hindi mabilis ang paghatak ng pwersa ng lupa sa bagay na nasa eri. At dahil sa hindi kayang magtrabaho ng mga homo sapiens sa planeang ito, nakagawa ng paraan ang agham at teknolohiya ng kolonyang Kromiz para makalikha ng maraming bilang na manggagawa. Sa tulong ng genetic engineering, nakabuo sila ng mga genocides o genetically modified na mga nilalang na nakakaginhawa sa atmospera ng planetang Urth. Ayon sa datos, may mahigit-kumulang na 500 libong genocides ang nagtatrabaho sa planetang ito. Katulad ng ibang kolonya, ang planetang Urth ay mayroong Chancellor at tumutulong sa hari ng Kromiz para pamunuan ang nasabing planeta. Isa ding dugong bughaw ang Chancellor o hindi kaya'y naglingkod sa p'wersang militar ng Chrome.

Legend of GeminiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon