VII : Koponang Southern Terra Nova

2.8K 102 18
                                    

"Ayos lang ba talaga sa'yo na doon ako sasama sa grupo nina Prometeus?" Ang dismayado kong tanong sa kay Saturn habang naghahantay ng pagkaing rasyon sa pila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ayos lang ba talaga sa'yo na doon ako sasama sa grupo nina Prometeus?" Ang dismayado kong tanong sa kay Saturn habang naghahantay ng pagkaing rasyon sa pila.

"Walang kaso 'yon kapatid. Kalayaan mo 'yon at wala akong karapatan na diktahan ka sa iyong desisyon. Kaya huwag mong aalahanin si Op-art at Kevan." Napatingin tuloy ako sa kay Op-art at Kevan na nasa kabilang hanay ng pila. Tila iniiwasan nila ang aking titig at kakaiba ang kanilang ikinikilos. Pakiramdam ko, hanggang ngayon ay hindi pa nila matanggap ang naging desisyon ko kahapon dahil kung makaiwas sila'y para akong may sakit na ketong. Hindi ko sila masisisi dahil itinuri na nila akong malapit na kaibigan. Hindi ko maintindhan ang aking nararamdaman, ako ba ay nakokonsiyensiya? Hindi! Kailanman ay wala akong konsiyensiya. Ako si prinsipe Orion at wala sa bokabularyo ko ang makialam sa nararamdaman ng iba lalo na sa isang hamak na demon na limang araw ko pa lang nakikilala. "Oh, bakit para atang may ibig sabihin 'yang mga titig mo sa kanila?" Tanong ni Saturn ng napansin niya ang pasulyap-sulyap kong titig kina Op-art at Kevan.

"Talaga bang ayos lang sa kanila ang pagpili ko sa pangkat nila Prometeus?"

"Sa totoo lang hindi. Hayaan mo na, lilipas din at mauunawaan nila ang naging pasya mo, kapatid. Masanay ka na lang sa ugali ni Op-art, madali kasi 'yan magtampo at magselos."

"Pollux!" Ang marahang tawag ni Prometeus sa 'di kalayuang gawi. Nakaupo ito sa ikalawang mesa mula sa kinatatayuan naming pila. Doon ay natatanaw ko ang kanilang grupo. Gumawa ng isang dikromatikong galaw ang binata na parang nagpapahiwatig na, dapat doon ako sa tabi nila kakain. Tiningnan ko si Saturn sa mata para kuwenstiyunin kung ayos lang sa kanya na umpisa ngayon ay hihiwalay na ako sa kanilang grupo. Tumango si Saturn at sinabing "Sige na! Pumunta ka na sa kanila, pagkatapos mong makuha ang 'yong probisyon."

Sa pagkakuha ko ng aking bandeha na may lamang pagkaing rasyon, agad kong hiniwalayan si Saturn at pumunta sa mesa nila Prometeus. Mainit ang pagsalubong nila Prometeus sa aking pagdating. Nagkamayan, batian at naghalakhakan. Nakakapanibago.

Ilang saglit lang ay tumunog na naman ang batingaw na nagpapahiwatig ng isang pampublikong anunsiyo. Ang mukha ni Reverend Astronomiya ay bigla na lang lumitaw sa wall screen at ang three-dimensional diorama ng buong katawan nito ay nasa harapan ng bawat mesa dito sa silid-kainan. "Mga minamahal kong demons, tinitawagan ang lahat na umpisa ngayong araw na ito ay ipagpapaliban muna ng mga nakakatanda ang pagsasaka at pangingisda gayundin ang pag-aaral ng mga bata, para mapag-usapan ng bawat pangkat ang preparasyon sa nalalapit na Annual Demon Children's Games. Sa lahat ng kababaihan, maaari ninyong puntahan ang kapatid ninyong si Glitter Lestranger, ang lider ng Northern Terra Nova at Jorgette Alistonie, ang lider ng Western Terra Nova. Sa mga kalalakihan naman, maaari ninyong kausapin ang kapatid n'yong sina Prometeus Smith, ang lider ng Southern Terra Nova at Saturn Pryor, ang lider ng Eastern Terra Nova. Ikinalulungkot ko ding ipaalam sa inyo na umpisa sa araw na ito ay, hindi n'yo na muna kami makakasabay sa pagkain. Ito ay dahil ang lahat ng mga Pillars ay pupunta sa ibat-ibang planeta para makalikom ng malaking pondo para sa ating ingrandeng palaro. Mga limang araw lang naman kami mawawala kaya huwag na kayong mag-alala. Magandang araw at nawa'y mabusog kayo sa inyong almusal!" Namatay ang diorama ni Reverend Astronomiya sa mga mesa kasabay ang mga wall screens.

Legend of GeminiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon