XVI : Ibong Westrell

2.5K 85 25
                                    

"Pollux! Pollux! Pollux! Pollux!" Ang 'di matapos-tapos na hiyawan ng aking mga kasapi. Pinasan nila ako mula sa sirkulo hanggang sa pagdating namin sa beranda ng aming kamarote. Hindi pa ako nakainom ng tubig, namamaos at basang-basa na sa pawis ang aking likod. Binaba na lang nila ako sa beranda at nakipagsiksikan ang ibang miyembro para lang makamayan ako. Ang dami kong nakamayan, mapabata o mga demons na kasing-edad ko lang, mapalalaki o mapababaeng demons na mula pa sa ibang koponan. Hindi ko kilala silang lahat at dahil sa sobrang dami ng demons, mahirap tandaan ang kanilang mga itsura. Tumahimik lang ang mga demons nang dumating na sina Prometeus, Virgil at Jokai. "Kapatid!" Nagkapit-braso kaming apat.

"Salamat at hindi mo itinulak ang Southern Terra Nova sa bangin ng talunan! Hindi na kami ngayon desmayado. Sa ngalan ng ating pangkat, kami'y nagpapasalamat sa iyong pagsisikap na makamit ang tagumpay." Ang talumpati ni Prometeus. Humiyaw ang buong madla at muling isinigaw ang aking huwad na pangalan. "Pollux! Pollux! Pollux!"

Ilang sandali lang ay may isang boses ng babae ang nangibabaw sa hiyawan. "Pollux!" Ang boses na iyon ay kay Stellar. "Pollux!" Ang muli nitong pag-agaw ng aking atensyon. "Stellar?" Ang aking wari. Napatigil ang lahat sa paghihiyaw at nabaling ang tingin sa dalagang pilit na nakipagsiksikan sa madla. Nagbigay daan naman ang mga madla sa kay Stellar. Nahihingal ang dalaga at huminga ito ng malalim bago nagpatuloy sa kanyang sasabihin.

"Pollux, gus-gusto ko lang sanang mag-maghingi ng pasensya sa ating alitan." Nakakagulat ang mga salitang binitawan ng dalaga. Nahihingal si Stellar kaya nag-ipon muna siya ng hangin sa kanyang baga para makapagsalita ng maayos. "Gusto ko ding magpasalamat sa ginawa mo kanina."

"Ako din kapatid!" Ang sigaw ng isang binata sa malayong bahagi ng beranda. Ang lahat ay napatingin sa kanan at naroroon sina Op-art, Saturn, Kevan, Regulus na kasama ang kanilang mga kasapi. "Salamat at paumanhin!" Ang nagsisising wika ni Op-art. "Humihingi  ako ng despensa sa mga kapatid naming Southern Terra Nova. Nahihiya ako sa mga ginawa ko sa inyong lahat. Ang pagmamataas at pangungutya ko sa inyo ay isang kasalanan sa mata ng ating mga diyos at diyosa." Dagdag pa ng binata. Nagsalpukan ang mga tingin ng magkaibang pangkat. Mawawari ang pagsisi sa mga mukha nina Op-art, Kevan at iba pang kasapi ng Eastern Terra Nova.

Pinalapitan at inalok ni Virgil ang palad ni Op-art at sila'y nagkamustahan. "Pareho lang tayong nagkasala kapatid. Noong nakaraang taon, kami ang nagmamataas sa inyo, kaya siguro patas lang ang ginawa ng inyong pangkat. Naipamulat ninyo sa amin na ang Demon's Game ay ang paraan para magkabuklod at magkaisa tayong mga demons."

Katahimikan.

"Nakakaasiwa." Ang biro ni Op-art sabay tawa.

"Ewww, talagang nakakaasiwa!" Ang ika ng mga kababaihan. Naghalakhakan ang lahat sa paghilom ng mga hinanakit ng bawat demons. Siguro noong nagdaang mga Demon Children's Games ay hindi pa nila alam ang dalang esensiya nito sa kanila. Dahil sa nangyari ngayon, unti-unting nagbago ang inaakala ko na isang delubyo ang pagtira dito sa Sanctuary. Ngayong araw ay nakapulot ako ng isang mahalagang aral sa buhay. Hindi... hindi lang pala ako, lahat kami ay nakapulot ng isang makabuluhang aral sa buhay. Isang makabuluhang aral sa buhay na nagpamulat sa aming lahat na dapat kami'y nagkabuklod-buklod. Isang makabuluhang aral sa buhay na nagpamulat na kami ay likas na mabait at hindi isang mitsa ng digmaang tinutukoy ng propesiya. Nagkamali ako sa paniniwala na ang pagging demon child ay isang kamalasan.

***
Hindi katulad sa mga naging tradisyon dito sa Sanctuary, naghalo-halong kumain ang lahat ng demon children. Hindi kasi kami nakaupo sa aming mga nakatalagang mesa. Sina Saturn, Prometeus at ang aso't pusa na si Virgil at Op-art ay nagkasabay kumain sa iisang hapagkainan. Nakakapanibago sa kanila ang ganitong pangyayari. Ganito pala ang pakiramdam pag ikaw ay nakagawa ng isang bagay na may magandang naidudulot sa iba. Ano kaya ang magiging buhay ko ngayon kung naging mabait lang ako sa mga taga-pasilbi ko sa palasyo? Marami din ba akong mga kaibigan doon? Kukunin ba ng mga diyos at diyosa ang gemini prints ko sa mga palad? Paparusahan pa rin ba ako ng mga bathala o sadyang sinadya nila ito? Hindi ba nila ako paparusahan dahil naging isa akong mabuting anak, prinsipe, Tudor? Sana nga naging mabuting Orion Tudor na lang ako. Pero parang huli na ata ang pagbabago sa aking sitwasyon. Dalawang buwan na lang ang natitira sa akin para mahanap ko ang aking soulmate.

Legend of GeminiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon