XXXIII : Kagandahan ng Delubyo

2K 79 3
                                    

"Anemone!" Ang sigaw namin sa dalagang dinampot ng mga armadong Legions. Hinabol namin ang mga mapaniil na Legions na bumalik sa loob ng citadel. Hindi lang pala si Anemone ang nakuha ng mga Legions, pati din pala ang mga basang-sisiw na sina Stellar, Op-art at Regulus na grabe ang natamong lesyon na nagmula sa parusa ng mga mediko at hanggang sa nangyayaring rebolusyon. Halos mawalan kami ng pukos sa pagsasagip sa aming mga kapwa demons dahil walang tigil din ang Legions sa pagpapakawala ng kanilang laser beams sa aming likuran. Nakita na namin na sumakay sa isang malaking Emergency Escape Raft Pod ang mga Pillars at ang mga Legions, kasama ang mga nadampot nilang demons na hindi marunong lumaban. "Hindi ito maaari! Tumatakas ang mga kulto sakay sa isang dambuhalang EERP! Kailangan na natin silang pigilan mga kapatid!" Ang suwestiyon ng bruskong babae na si Glitter. Pati ang mga kababaihang demons na marunong gumamit ng sandatang laser guns ay matapang na nakikibaka sa pag-aaklas laban sa mga Legions. Nakakabilib ang mga ipinakita nilang galaw dahil sa liksi nilang taglay na pag-iwas sa mga ligaw na laser beams at pagtira sa mga kalabang Legions.

"Sige! Mauna na kayo! Sumakay kayo sa mga EESP! Sundan ninyo ang mga nahuling bata at ibang kababaihan!" Ang aking utos sa mga rebeldeng kababaihang demons. Tumango sila sa akin at sinunod ang aking utos. Iisa lang kasi ang malaking EERP na kayang magpasakay ng maramihang tao, kaya ang ginawa ng mga kababaihan ay isa-isa sila sa pagmamaniobrada ng mga maliit na sasakyang EESP.

Matulin na nagsiliparan ang mga pod sa citadel na siya namang lumikha ng sabayang ingay ng makina. Naghahabulan ang mga pod sa loob ng napakalawak na Muster Station hanggang sa lumabas na ito sa Escape Chamber na nakakonekta — diretso sa dalawang Mothership Aviators na naka-angkorahe sa porto ng outer space station.

"Alert! Alert! Alert!" Ang panawagan ng virtual assistant sa mga taong nasa loob ng Sanctuary. Umalarma ang distress bell sa buong istasyon na nahahatid ng babala na ang lugar na ito ay nanganganib nang masira. "Twenty percent of the force field mass is totally damage. There would be leakings in the atmospheric pressure and sudden loss of air in the Space Station. Please wear your space helmet and space suit for breathing and safety protection. You may experience the loss of gravity and outer space contamination. The countdown starts at fifteen minutes!" Nagsitigil ang lahat sa pagbabarilan at sumakay sa kani-kanilang EESP. Kahit ang mga Legions ay napilitang sundin ang payo ng virtual assistant dahil mayamaya'y guguho na ang buong force field sa Sanctuary na siyang nagsisilbing silyo ng hangin. Paglumaki pa ang mga butas ng force field ay siya namang sisingaw ang hanging na nasa loob nito hanggang sa mahuhubsan na ang buong atmospheric pressure. Pag wala na ang atmospheric pressure sa loob ng Sanctuary, mawawalan na kami ng mapagkukunang hangin para makahinga at mawawalan din ng gravitational force dito sa loob. Ito ang rason na kami'y masasakal at mawalan ng hininga sa kalawakan.

Sinundan namin ang EERP na sinasakyan ng mga Pillars at mga natugis nilang demons. Nagkataon din na sumabog ang mga itinanim naming bomba sa mga Auxialry Room. Ang unang sumabog ay ang mga linyada ng concentrated steam na siyang naging dahilan ng paglaganap ng sobrang init sa Muster Station. Ang maiinit na singaw ng mga linyada ang nagpasabog sa mga balbula na siya namang lumikha ng malaking apoy.

Sunod-sunod ang pagsabog ng mga aparatos sa Auxiliary Compartment. Yumanig ang sahig ng Muster Station at sumunod naman ang mga hull at superstructures ng Sanctuary. Nagkaroon din ng electrical ground sa buong paligid dahil sa mga nasirang electrical lines at at short circuits sa pagkasabog ng steam boilers. Ang mga tanke ng tubig at pati ang mga linyada ng tubig ay sumabog din na siyang dahilan ng pagbaha. Lumalaro ang tubig at apoy sa dating payak at napakaayos na Auxiliary Room.

Sabog sa kaliwa.

Sabog sa kanan.

Sabog sa likuran.

Sabog sa harapan.

Ang ibang mga EESP ay hindi nakaiwas sa mga apoy na inilikha ng sabayang pagsabog ng mga motor at turbina ng steam plants. Mabuti na lang at naipaangat ko sa itaas ang aking minamaniobradang pod kaya malisto naman akong nakaiwas sa piligro. Sana ay ayos din ang kalagayan ng mga kapatid kong demons sa pag-iwas ng mga apoy. Hindi ko inalis ang aking tingin sa hinahabol naming EERP at matagumpay naming nasundan ito kahit na nagpalibut-libot ito sa buong Sanctuary para lang maiwasan ang mga bumabagsak na yero na galing sa gumuguhong force field. Hindi na kasi madaanan ang escape accomodation ng citadel na nagkokonekta sa dalawang Mothership Aviators kaya nagpaikot-ikot kami sa loob ng Sanctuary para makahanap lang ng lagusan palabas. "Mga kapatid! Mag-ingat kayo sa mga yero!" Ang panawagan ni Saturn sa radio transponder na kasangpan ng console sa aming mga minamaniobrang EESP. Nangunguna kasi si Saturn sa paghahabol ng EERP na sinasakyan ng mga Pillars kaya siya ang marapat na nagsusubaybay sa mga kilos ng kanilang ruta.

"Ayos lang kami kapatid!" Ang sagot ni Virgil at Kevan sa linya ng radyo.

Sumilip ako sa ibaba at nakita ko ang pagguho ng mga talon ng tubig pati na rin ang perpektong hugis kapa na bundok. Sumabog ang kalupaan sa Sanctuary na parang lubak at bunganga ng bulkan. Talagang napakalakas ng mga bomba na itinanim namin sa Auxiliary Room kahit kasing-laki lamang ito ng perlas. Nakakabingi.

Habang hinahabol namin ang nagkakarakang EERP ay siya namang maingat na pag-iwas namin sa mga nahuhulog na yero. Mabuti na lang at ligtas kaming nakalabas sa sumasabog na Sanctuary. Patuloy ang paghahabol namin sa EERP hanggang sa nakadaong na ito sa patag na uluhang-kompartamento ng Mothership Aviator. "Masamang balita! Nakadaong na sa aviator ang EERP na sinasakyan ng mga Pillars at mga bihag na demons!" Ang balitang hatid ni Saturn sa linya ng radyo.

"Bilisan natin at baka tumakbo na ang mothership nilang sinasakyan!" Ang aking wika sa radyo.

Sa wakas ay nakadaong na rin kami sa craft landing platform ng mothership. Kusang nagsibitawan naman ang mga angkla ng aviators sa porto ng Sanctuary. Nakapagtataka na walang mga Legions na humahabol sa aming likuran. Siguro ay hindi sila nakaligtas doon sa loob ng gumuguhong Sanctuary. Marahan namang bumaba ang landing plantform na aming binabaan at saka sumirado ang itaas na tarangkahan. "Refilling oxygen in the hatch. Please wait for ten seconds before leaving out the craft." Ang paalala ng virtual assistant ng mothership. Nang nagkaroon na ng hangin sa hatch, sabay-sabay kaming tumakbo nina Kevan, Skye, Ureter, Marcus, Saturn, Virgil at Glitter na may apat na babaeng kasama na tulad namin ay lumalaban sa mga Legions. "Aming resistance, ako nga pala si Harriot!" Ang pakilala ng isang babae na kasamahan ni Glitter. Nagkamustahan kami ng palad habang kumakarimpas sa pagtakbo.

"Ako naman si Suxa!"

"Grize!" Pakilala pa ng isang babaeng aming kasamahan.

"Ako si Trinity!" Pormal na nagpakilala ang apat na bago kong disipolo.

"Maraming salamat mga kapatid sa tiwala!" Ang taos-puso kong pasasalamat sa apat na babae. "Teka, nasaan sina Brandon at Mareo?" Ang tanong ko sa aking mga disipolo. 

"Wala na sila!" Ang nakakalungkot na balita ni Kevan.

"Tayo na lang ang natira sa limang daang demons na nag-aklas laban sa mga Legions." Ang dagdag ni Ureter.

Pangit man pakinggan subalit, magsasayang lang kami ng oras kapag ipinagpatuloy namin ang pagsusumamo sa mga yumao naming mga kapwa demons. "Sige, wala na tayong panahong magsimpatya sa ating mga kapatid. Tara na't iligtas natin ang iba."

Legend of GeminiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon