XXXIV : Tinik ng Himagsikan

2.3K 74 4
                                    

Habang tumatakbo kami sa makitid na lagusan patungo sa Entrance Hatch ng mothership ay siya namang pag-andar ng makina nito. Binabaril namin ang mga surveillance cameras na nasa mga kisame at nakatutok sa aming mga ikinikilos. Alam na ng mga Pillars at bantay na mga Legions na nakapasok na kami sa loob ng Mothership kaya naman siguro pinaandar na nila ang alarma. Ang umaandap na pulang ilaw ay nakikisabay sa nakakabinging ingay na hatid ng sirena, kasabay nito ang pagbabayo ng aming mga talampakan sa matulin naming pagtakbo. Kami'y napahinto nang nakita namin na ang hatch door ay nakasirado.

"Security level number 3 is being observe here onboard ship! Any suspicious act of breaching the security which is detected by the system, the triple firewall will activate." Ang malinaw na anunsyo ng lalaking virtual assistant.

"Na-naisirado na nila ang-ang mga daraanan pa-patungo sa kubyerta." Ang nahihingal na wika ni Saturn.

"Ako!" Ang presenta ni Glitter. "Susubukan ko ang aking makakaya para mabuksan ang entrance hatch." Pumiyok ang dalaga bago niya kinulikot ang analog box na siyang nagsisilyo sa door hatch.

"Craking the code of security. Failed!" Tugon ng virtual assistant sa dalaga. Patuloy ang paghahack ng dalaga hanggang sa naubusan na ito ng pasensya dahil parati siyang tinatanggihan ng virtual assistant! "Cracking the code of security. Failed!" Parang sirang plaka na pabalik-balik sa kakasalita ang lalaking virtual assistant. Mukhang hindi siya masyadong magaling sa panghahack ng sistema, hindi katulad ni Anemone na bihasa na sa mga ganitong gawain.

"Lintik! Hindi ko kayang buksan ang entrance hatch." Napasigaw sa sobrang inis ang dalaga.

"Kung mayroon lang sana akong bomba dito, pasasabugin ko iyang pintuan na iyan!"

"Tama! Bomba!" Napaisip si Saturn sa aking sinabi. Naguluhan naman kami sa kanyang positibong reaksyon. "May mga bomba akong dinala dito sa aking bulsa." Kinuha ni Saturn ang tatlong bomba na nasa bulsa ng kanyang dibdib. Ibinalik niya ang dalawang bomba sa kanyang bulsa at isa lang ang itinanim niya sa gitna ng door hatch.

"Bomba ba yan? Para kasing bulitas." Ang unang panghuhusga ni Virgil sa bombang kasing liit ng mga perlas.

"Huwag mong husgahan ang makakayang gawin niyan! Ang buong sky duct nga kanina ay kaya niyang sirain sa isang pagsabog." Ang aking sagot sa binata. Hindi pa rin makapaniwala ang lahat sa kayang gawin ng maliit na bomba.

"Dali pumalayo tayo!" Sigaw ni Saturn. Kumarimpas kami sa pagtakbo papalayo sa door hatch at bumilang ng limang segundo.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Sumabog ng napakalakas ang bomba at kahit malayo na kami sa pintuan ay nagawa pa kaming itinapon ng pwersang dulot nito sa hangin papalayo. Kung hindi namin tinakpan ang aming mga tainga, siguro ay mabibingi kami habang buhay.

"Wow! Ang lak-lakas nga!" Nahulog ang bunganga ni Virgil. "Kakainin ko ang aking mga salita."

Dumagdag pa sa ingay ang fire alarm sa mga sirena. "Fire! Fire! Fire! There's a fire on board! Activate fire extinguishing fumes to the fire zone!" Ang anunsyo ng lalaking virtual assistant sa buong mothership. Biglang lumabas ang puting usok na may halong pulbura na siyang kumitil sa apoy. Tinakpan ko ang aking ilong at baba para hindi malanghap ang baho ng usok. Amoy patay na itlog ang usok. Nakakadiri at nakakasuka kaya tumakbo kami papalayo sa nasirang hatch patungo sa ikalawang kompartamento. Ang mga fumes o usok na iyon ay siyang kumitil sa mga apoy na nalilha ng pagsabog ng bomba. Sa pagkakaalam ko ay nakakasama sa kalusugan ang mga fire extinguishing fumes na iyon.

Legend of GeminiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon