Chapter 19: Muling Paghaharap nila Fredo at Danillo

Start from the beginning
                                    

“Danillo, hindi ko alam ung paano sasabihin sayo to pero...

Mukhang nahulaan naman nito ang gusto kong iparating, “Hindi maganda na paghiwalayin ang magkambal” sabi nito.

“Alam ko pero wala akong pera para ipaopera sya” panlulumo kong sabi. “Hindi pa ganoon kaunlad ang pamumuhay namin. Naguumpisa palang ako sa pagnenegosyo” dagdag nito.

Tumingin ito sakin, “Ganyan ka na ba kadesperado at gusto mong ibigay sakin ang anak mo?” tanong nito.

Nasaktan ako sa sinabi nito.

“Nangungulila ka sa mag-ina mo” sabi ko. “Isipin mo na lang kung gustong gusto ni Graf na magkaroon ng baby sister” dagdag ko pa.

“Pero hindi tama....

“Alam ko! Pero anong magagawa ko?! hihintayin kunin sya ng Diyos?!” hindi ko na napigilan ang luha ko kaya kusa na itong umagos.

Lumapit ito sakin, “Sige. Ipapagamot ko si Geuel sa states pero babalik rin kami rito pagkatapos ng operasyon nya” sabi nito. Parang nawalan ako ng tinik sa mga sinabi nito.

“Pero magiging isang tunay na Clavel sya” dagdag nito.

Umiwas ulit ako ng tingin...

“Ikaw ang bahala” sabi ko....

End of flashback

“Danillo” tawag ko rito.

Tumingin naman ito sakin, “Paano kung hindi kami mag-match?” tanong ko. Natatakot rin kasi ako. For the first time of my life, ngayon ko lang mapapatunayan kay Dyowi na ako ang tunay na ama nito.

“Ikaw ang ama ni Dyowi at hindi ako” sabi nito.

“Okay lang ba sayo?” tanong ko.

Ngumiti ito sakin, “Naging mabuti kang ama kahit na palihim mong kinakamusta at sinusundan si Dyowi noong bata pa sya at kahit ngayon, alam ko na may mga matang tumitingin kay Dyowi habang wala ako sa tabi nya” paliwanag nito.

“Dapat siguro malaman ni Graf ‘to” sabi ko.

“Oo, dahil maaapektuhan ang pagkuha nito ng isang kompanya mo” sabi pa nito.

Nag-isip muna sya ng mabuti kung sasabihin nga ba nya talaga o hindi.

----

Graf’s POV

“Hindi ko hahayang ligawan mo si Dyowi” sabi ko kay Axel habang nakatingin sa natutulog na si Dyowi.

Binabantayan namin si Dyowi dahil pag nagising ito, kelangan namin tawagin agad agad ang doctor na tumitingin rito.

“Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan yan” sagot naman nito.

Tumingin ako rito, “Gusto mo ba sya o mahal mo na?” tanong ko pa.

“Gusto ko sya” sagot nito. “Pero hindi ko maiwasang mahalin sya” dagdag nito.

Umiwas na ko ng tingin..

Ito naman ang tumingin sakin, “Mahal mo ba sya?” tanong nito sakin.

“Oo” sagot ko. “Matagal na” dagdag ko pa.

“Bakit hindi mo pa sabihin sakanya?” tanong nito sakin.

“Hindi pa ito ang tamang panahon” sagot ko naman.

Sumingit naman si Dam sa pag-uusap namin, “Huwag kayo dito magusap ng mga bagay na yan” sabi nito.

Pareho na kaming nanahimik.

Patiently Waiting ♥ [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now