Chapter 58: Remember

Magsimula sa umpisa
                                    

Wala naman dito si Patrick diba?

Habang busy sila Danica at Efren sa pagaayos, I call Patrick pero hanggang ngayon nakapatay parin ang cellphone niya. Ano na ba ang nangyari kay Pat?

May biglang kumatok sa pinto namin. And I found myself running to the door. Maybe, I am expecting Warren to come back or Patrick to surprise me that he is here.

But when I opened it, its Charles smiling infront of me.

"Happy Birthday" sabay abot sa akin ng gift niya.

Nginitian ko siya. "Salamat Charles, hindi ka na dapat nagabala"

"Ayos lang no. Kahit rush yang regalo ko. Teka, uwian niyo na?"

Dun ko lang naalala na dapat kanina pang umaga umalis si Charles papunta sa next stop ng trip nila.

"Oo, maya maya. Eh bakit ikaw nandito pa?"

"Nagpa-second batch ako ng aalis. Gusto ko kasi ako ang magbigay nito sayo. Siguro pwede pa naman kitang makausap diba?"

Tinignan ko yung kwarto. Hindi naman makalat ang mga gamit ko kaya sa tingin ko kahit 10minutes before kami umalis eh maayos ko yun.

"Basta ba hindi ako maiiwan ng bus eh"

"O sige" sabay tawa ni Charles.

Iniwan ko lang yung regalo ko at sumunod na kay Charles. Naglakad kami sa may tabing dagat.

"Nakapagusap kami ni Warren kanina" sabi niya.

Napatingin ako sa kanya habang patuloy kaming naglalakad.

"Ibang iba na kami ngayon kaya kung ano man ang iniisip mo Charles hindi ganun yun"

Napangiti si Charles at tumingin sa akin.

"Ramdam ko mahalaga ka sa kanya. Ewan, kung may amnesia nga siya parang ang labo naman isipin na ganun parin ang mararamdaman niya eh hindi ka nga niya maalala"

"We separated our ways kanina lang kaya impossible yang sinasabi mo"

"Ray, masyado na kitang kilala para sabihin mo yan."huminto siya sa tapat nung beach kaya napahinto din ako.

"Totoo naman kaya"

He gave me a faint smile. "Magaling ka talaga magpanggap. Itago lahat sa sarili mo ang nararamdaman mo. Naalala mo ba yung inamin ko sayo na I am still inlove with Monica? Hindi ka nagalit sa akin basta na lang pumayag ka na palayain ako. Sa totoo lang hindi ako naging lubusang masaya kasi alam kong nasaktan kita. Kung sana lang naging mas tapat ka sa nararamdaman mo siguro mas magiging maayos ang pakiramdam ko"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon