Chapter 57

60.8K 1.4K 178
                                    

"Keisha!" Gulat at kaba ang naramdaman ko kay Jessy kaya napataas ang kilay ko.

"What's with the panickining guys?" I asked but no one dared to answer me hanggang sa nakabawi na si Pia.

"Wala naman Keisha. W-we just missed you that's why we're ano.. planning a get together today. Y-you know.. celebration!" She said na nauutal.

"Oh. Okay. Mukhang maganda yan. Saan ba?" Natutok ang paningin ko sa tiyan ni Pia. "Are you.. are you pregnant?" Gulat at masayang tanong ko.

Ngumiti siya ng pagkalawak-lawak. I know that feeling! Dahan-dahan siyang tumango.

"Wow! I'm so happy for you. Finally magiging tatay na si Blake!" Masaya ko siyang niyakap.

"Pero siyempre hindi lang kami ni Blake.." Kumindat pa siya sakin.

"What do you mean?"

"May isa pang buntis diyan no!"

"Who?" Tanong ko kasabay ng pag-ikot ko sa aking mga mata. Isa-isa kong tinitigan ang mga tiyan nila at napadako ang titig ko sa babaeng nakasuot ng medyo fitted dress. "You're pregnant too Karen?"

Masaya siyang tumango sakin. "I'm going to be a mom Keisha!" Maluha-luhang sabi niya sakin.

Agad ko din siyang niyakap. "Akalain mo nga naman. Magiging tatay na din pala ang lokong si Kane." Umiiling pa na sabi ko. "By the way where are the boys?" I asked.

"Nandiyan lang yang mga yan. May inaasikaso lang sila."

"I miss my Zachary.. Matatagalan daw ba sila?"

"Ay mommy. Bilin nga pala ni daddy na hindi ka daw niya ida-date unless isuot mo yung white dress na nasa closet mo."

Ngumuso ako. "So ganun? May condition na bago ako i-date mg daddy niyo?"

"Asus. Si ate naman tampururot pa. Buti ka nga ida-date ng asawa mo e. Eh ako? Nakidnap na pero parang wala namang nagbago."

"Ay ang drama po niya. Halika na nga sa taas. Lagyan mo na lang ako ng make-up para naman mabighani sa ganda ko si Zach." Iniisip ko pa lang na magda-date at magkikita kami ay kinikilig na ako. I miss him so damn much!

***

"Ano bang nangyare Jl?" Nakatingin ako sa salamin para makita siya dahil nasa likuran ko siya at kinukulot ang buhok ko.

"Ewan ko nga ate. Basta ng magising ako ay nandito na tayo sa beach house niyo. Wala namang alam ang girls sa nangyari kaya hindi ko din talaga alam."

Ang huling naalala ko lang ay isinakay kami ng nakabili sa amin sa isang yatch. Pinilit kong manlaban at mang-agaw ng baril pero mabilis nila akong nasaksakan ng pampatulog at dito na nga ako nagising. Si Zach kaya ang nagligtas sa amin?

"Basta ate. Ang alam ko lang niligtas tayo ni kuya Zach. Aba! Ikaw pa ba ang papabayaan ng asawa mo? Ang swerte-swerte mo talaga ate. Imagine, kahit ang tagal niyo ng nagsasama, wala pa ding nagbabago sa samahan niyo. Kahit anong pagsubok ang dumating sa inyong dalawa, magkasama pa din kayong tumutuloy sa laban." Bahagya siyang nagpunas ng luha kaya napakunot ang noo ko.

"May problema ba Jl?"

Umiling siya. "Wala ate." Ngumiti na siya. "Masaya lang ako. Nakakatuwa lang na may ganyan pa palang pagmamahal. Sa panahon kase ngayon, puro na lang galit at away ang nangyayari. Pero sa isang parte ng mundo, nandiyan kayo ni kuya Zach. Nananatiling buo ang pagmamahal sa isa't-isa. Sana lahat ng pagsubok na dumating sa buhay niyo ay malampasan niyong dalawa." Niyakap niya pa ko mula sa likod kaya hindi ka na napigilan ang pag-iyak.

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon