Take Care

1K 36 7
                                    

Chapter 39

Saphie's POV

From: Daniele

May ginagawa ka ba?

Wala naman. Nakahiga lang ako sa kama pero mayamaya ay maliligo na rin ako. Re-reply-an ko palang sana siya pero may bago na naman siyang message.

From: Daniele

Gala tayo? Go? Okay!

Natawa ako sa kanya. Aba. Ang lakas ata ng tama nento ah. Magre-reply na sana ako ulit pero tumawag na siya.

Ang atat! Tsaka bakit ba siya natawag? Baka mahirapan akong tanggihan siya kapag narinig ko na ang boses niya.

Namatay na ang tawag pero muli na namang tumunog ang phone ko kaya no choice. Sinagot ko na rin.

|Why are you not answering my messages? And my calls?|

Natawa ako sa kanya. Napahawak pa ako sa dibdib ko at nakaramdam ng kuryente roon.

Must be the ICD doing its job.

|Saphie!|

"Ano ba? Ha-ha! See? Kaya hindi kita ma-reply-an kasi inuunahan mo ako."

Saglit natahimik sa kabilang linya. Akala ko nga, wala na eh.

|A-Ahh, hehe.|

Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtawa.

Ilang segundo ata kaming ganun lang. Walang nagsasalita. Pinapakinggan lang namin ang paghinga ng isa't isa. Feeling ko katabi ko lang siya at nakahiga rin.

Ang sarap sa pakiramdam. I'm going to miss this comfortable silence.

Pero siguro dapat ko munang problemahin kung paano ko mababawi ang ginawa kong pag-amin sa kanya.

|Uhmm.. Saphie?|

"Hmm?"

Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi ko na naiwasang ngumiti.

Tsaka ko na muna poproblemahin yun. Sobrang sarap ng moment na 'toh para sirain lang.

|Are you free tonight? Yayayain sana kitang uhmm.. Date?|

Lalong lumawak ang ngiti ko. Medyo na-excite rin ako. Basta si Daniele ang nag-aya ng date, asahan mo ng epic adventure ang mangyayare.

Kaso napaupo ako nang ma-realize na hindi pwede.

"No. Sorry, Daniele."

|I.. I understand. So bakit hindi ka free?|

Masyado na akong madaming nasabing pagsisinungaling sa kanya kaya nagsabi na ako ng totoo.

"May aasikasuhin kami ni Prince— I mean, ni Christopher."

May check up kasi ako ngayon. Bawal ma-missed kung ayaw kong bumalik sa New York.

|Okay. Wait. Hindi mo na ba siya tinatawag na Prince?|

Natawa ako sa tanong niya. Okay na rin dahil hindi na niya ako kinulit sa kung anong aasikasuhin namin.

"Tinatawag pa rin naman kaso binabawasan ko na. Baka kasi mamaya, magselos si Sharmaine. Nako! Baka madugtungan ang natapos naming pag-aaway noon."

Natawa siya sa sinabi ko.

|Lagot ka talaga! Alam mo ba kung paano magselos yun? Nananabunot yun! Ay, hindi. Una pala, kakausapin ka muna niya. Tapos kapag napikon siya sayo, sasampalin ka! Ha-ha! Patay ka!|

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon