I Miss You

1.8K 62 0
                                    

Chapter 7

Daniele's POV

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Nasa harap ko siya ngayon. Hindi lang basta harap kundi buhat ko pa. Ni hindi ko matanggal ang mga tingin ko sa kanya. Ramdam ko ang kakaibang pakiramdam dahil sa pagtama ng balat ko sa balat niya.

D*mn. This is the real love. I'm really in love with Ms. Disaster.

Napakurap ako nang ngumiti siya sakin. What the f*ck?! Did she really smile?!

Umayos siya ng tayo kaya nagkaroon na rin ng distansiya sa pagitan namin.

"I'm sorry for what happened. I.. I lost my balance. Oh! Your ice cream! I'll just buy you a new one, okay?"

Hindi agad ako nakakilos sa inasal niya. I admit. I'm expecting her to shout at me, punch me, act like nothing happened or will greet me with a simple 'hi' then  ignore me. Hindi ko alam kung bakit umaakto siya ng parang.. Parang normal lang ang lahat. Na walang nangyari between us.

"Uhmm..what do you want?"

"No! I mean, wag mo na akong bilhan. Okay lang yun."

"No. I insist."

"Saphie."

Hinawakan ko ang kamay niya at kahit napatingin na siya sakin ay hindi ko na ito binitiwan. Tinitigan ko ang mga mata niya. Those black eyes. Gusto kong manlumo dahil ni kahit na anong spark, wala akong makita. Those eyes who are so expressive before.. Sobrang cold na tumingin ng mga ito ngayon.

"Oh my gosh."

Napalingon kami sa nagsalita. Napatingin ako kay Saphie at kitang-kita ko kung paano nagkabuhay ang mga mata niya at lumiwanag ang mukha niya nang makita niya ang best friend niya. Binitiwan niya ang kamay ko at parang bigla na niyang nakalimutang nandito ako.

"Emily!"

Tumakbo siya palapit kay Emily at agad silang nagyakapan. Gulat na gulat si Sebastian habang si Ryan naman ay gulat din. Agad din siyang tumingin sakin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"I miss you, best friend! Gosh! 2 years?! I hate you for leaving me for so long!"

"Ha-ha! Sorry, okay? Babawi ako sayo, promise!"

Marunong pa pala siyang mag-Tagalog? Hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kanya.

"So how are you? What happened? You've changed a lot!"

Napatingin ako kay Saphie mula ulo hanggang paa. Ang dating palaging nakalugay niyang buhok o 'di naman ay naka-ponytail ay nakatirintas na ngayon. Naka-dress siya but unlike before, sleeveless na ito at above the knee na ang sukat na talagang bumagay sa katawan niya. Mas nagkaroon siya ng curves at mas pumuti rin siya. Naka-heels din siya. 3 inches?

"Wait lang ha! Bago kayo magkwentuhan, paheram muna ako!"

Hinila ni Sebastian si Saphie kaya natawa sila. Inilagay ni Sebastian ang mga kamay niya sa bewang niya.

"2 years?! Ang tagal non, Saphie! Tapos babalik ka rito nang wala man lang pasalubong?"

Nagtawanan ulit sila.

"Sinong nagsabing wala? Yung mga gifts ko sa inyo nung nakaraang birthdays niyo and Christmas, nasa bahay."

"Yun naman!"

"Wait."

Halos maningkit ang mga mata ko nang makitang hawakan ni Ryan ang kamay niya at iharap ito sa kanya. Agad na ngumiti si Saphie. More genuine than her smile to me a while ago.

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon